Gin Kings, masusungkit na kaya ang 14th title?

ni GA - @Sports | April 22, 2022

Maaaring makamit ng Brgy. Ginebra Gin Kings ang ika-14th titulo ngayong gabi sakaling tapusin ang kanilang best-of-seven championship serye kontra Meralco Bolts sa Game 6 ng 2021 PBA Governors' Cup sa paglipat sa MOA Arena sa Pasay City bunga ng naganap na sunog sa The Big Dome nitong Miyerkules.
Sakaling makuha ng Gin Kings ang kampeonato sa import-laden conference, mapapantayan na nila ang naibulsang titulo ng Alaska Aces, kung saan 13 sa mga ito ay ginabayan ni Ginebra Head Coach Tim Cone, habang makukuha rin ng 64-anyos na Oregon-native chief tactician ang ika-24th title at ika-6th sa poder ng Gin Kings.
Nagpamalas ng magandang laro ang limang starters ng Gin Kings sa pangunguna ni import Justine Brownlee na muling rumehistro ng 40 puntos. Nabitin lang ng isang rebound si Scottie Thompson para sa triple-double nang kumana ito ng 19pts, habang nag-init sa tres si Arvin Tolentino sa 16pts, samantalang may kontribusyon sina Christian Standhardinger ng 13pts at LA Tenorio ng 10pts. Limitado sa 15:47 ang laro ni Japeth Aguilar na may naambag na 6 na puntos na hindi pa siyento-porsiyentong handa dahil nagpapagaling pa sa calf injury.
“Our guys made big shots and made big plays, we scored a 115 point to a really-really good Meralco defense. They’re the best defensive team in the league and we scored 115 points, so that really tells you how well we shot the ball,” pahayag ni Cone sa post-game interview.
Malaking bagay din sa PBA ang partnership ng BingoPlus, ang kauna-unahang licensed Online Traditional Bingo (OTB) services sa lahat ng tatlong conferences nitong 47th season. Pumapagitna ang branded segments at content sa PBA coverage at dito ay makalalahok ang fans sa traditional bingo games na inilalaro sa gadgets at cellphones.
“BingoPlus and the PBA share the same passion in bringing entertainment that adds value to their audience,” ayon kay Andy Tsui, Leisure and Resorts World Corporation president, ang holding company na namamahala at nag-o-operate ng amusement at recreation enterprises.
Mga laro ngayon sa MOA Arena:
Game 6 – best-of-seven championship series: 6:00 n.g. – Meralco Bolts vs. Brgy. Ginebra.





Comments