Gilas Women wagi sa Kazakhs, 3x3 Men's, shoot sa Twinkill
- BULGAR
- Sep 28, 2023
- 1 min read
ni Anthony E. Servinio @Sports | September 28, 2023

Laro ngayong Biyernes - Shaoxing Olympic Sports Center
1:30 PM Hong Kong vs. Pilipinas
Sinimulan ng Gilas Pilipinas Women ang kanilang kampanya sa 19th Asian Games Hangzhou sa isang kumbinsidong 83-59 panalo sa Kazakhstan Miyerkules ng gabi sa Shaoxing Olympic Sports Center. Ito ang pinakaunang beses sa kasaysayan ng palaro na lumahok ang bansa sa Women's Basketball.
Pumukol ng pitong three-points si Janine Pontejos para sa lahat ng kanyang 21 puntos.
Nabitin sa double-double si Jack Animam na siyam na puntos at 12 rebound.
First half pa lang ay idinikta ng Gilas ang takbo ng laro at itinayo ang 40-26 lamang.
Doon pa lang ay umangat sina Animam para sa walo at Afril Bernardino para sa pitong puntos.
Susunod para sa mga Pinay ang Hong Kong ngayong Biyernes. Tatapusin nila ang aksiyon sa Grupo B kontra Japan, ang bansang nag-uwi ng tanso noong 2018 sa Indonesia, sa darating na Linggo.
Determinadong bumawi ang pambansang koponan matapos mapilitan umatras sa Women's 3x3 dahil hindi pumayag ang nangangasiwa ng torneo na magpalit sila ng ilang manlalaro. Ayon sa mga bagong patakaran, ang 3x3 ay bukas sa mga edad 23 pababa at bawal ang maglaro ng parehong 3x3 at Basketball.
Samantala, dobleng selebrasyon para sa 3x3 team ng men's basketball nang magwagi rin sila sa unang laro sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China.








Comments