top of page
TEKA NGA - SEN. ROBIN, NANINIWALANG ‘DI NA KAILANGAN NI DANIEL NG KA-LOVE TEAM-IG _robinpa

Gilas Women U-18 biniktima ang Singapore at Vietnam

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 4
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | June 4, 2026



Gilas Pilipinas U18 vs Vietnam - SBP

Photo: SBP



Laro ngayong Huwebes - STI-WNU 

4 PM Indonesia vs. Vietnam 

7 PM Pilipinas vs. Thailand 


Nagtala ng dalawang pinaghirapang panalo ang Gilas Pilipinas upang simulan ang FIBA Under-18 Women's Asia Cup SEABA Qualifiers sa STI West Negros University, Bacolod. Dinaig ng mga Pinay ang Singapore kagabi, 83-53, upang sundan ang 93-42 tagumpay sa Vietnam noong Martes. 


Kinalimutan ng Gilas ang malambot na unang quarter kung saan maitakas nila ang 18-17 bentahe sa palaban na Singapore. Bumanat sina Audry Duma at Tiffany Reyes sa simula pangalawa hanggang lumayo bago ang pangatlo, 42-37. 


Nanguna sa Gilas si Reyes na may 18 puntos at pitong rebound. Sumuporta si Sophia Dignadice na may 16 at pitong assist. Malamya rin ang simula kontra Vietnam at bumira ng dalawang three-points ni Lucienne Ralph Le Chi sa unang apat na minuto, 6-2. 


Ginising ng shoot ni Dignadice ang mga kakampi at mula doon ay nagtulungan sina Riri Perez, Zuzzane Singson, Naima Navarro at Zaydhen Rosano para kunin ang unang quarter, 19-14. Ipinasok ng Gilas ang unang 10 puntos ng pangalawang quarter, 29-14, at inabot ng anim na minuto bago nakasagot ang Vietnam. Hindi na lumingon ang mga Pinay at ang huling talaan ay siya ring pinakamalaking lamang. Nanguna sa atake si Perez na may 16 puntos sa 19 minuto.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page