top of page
BULGARY - VINCENT CO, TODO-IWAS SA MEDIA-FB Caesar Vallejos.jpeg

Gilas Women naka-silver sa 3x3 Asian Beach Games

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 30
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | April 30, 2026



Gilas Pilipinas Women sa Asian Beach Games

Photo: Circulated


Laro sa Biyernes - Chengdu

10:25 AM Pilipinas vs. Brazil

12:15 PM Pilipinas vs. NZ



Umani ang Gilas Pilipinas ng pinakaunang medalya sa 3x3 sa kasaysayan ng Asian Beach Games - pilak para sa mga babae - kagabi sa Sanya Sports Centre. Napunta sa host Tsina ang ginto, 21-13, para patibayin ang estado bilang numero uno sa Asya sa FIBA3X3 Ranking.


Hindi nakauwi ng medalya ang mga lalake at yumuko sa Tsina sa laban para sa tanso, 21-13, pero ito pa rin ang pinakamataas na antas na naabot ng Gilas. Nakaganti ang mga host sa 18-21 talo nila sa mga Pinoy sa unang araw ng torneo noong Sabado. Tinatapos kagabi ang laban para sa ginto sa pagitan ng defending champion Qatar at Thailand. Nakamit ng Thailand ang tanso sa kababaihan kontra Singapore, 17-8.


Sa semifinals, iniligpit ng mga Pinay ang Singapore, 20-13. Gumawa ng walo si Mikka Cacho at sinuportahan nina Reynalyn Ferrer na may anim, Kaye Pingol na may lima at isa kay Gabi Bade.


Nabitin ang huling paghabol ng mga kabataan ng kalalakihan sa mga beterano ng Thailand, 18-20. Nasayang ang siyam ni Nic Cabanero habang apat si Jeff Manday, tatlo kay Aldous Torculas at dalawa kay Angelo Crisostomo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page