top of page
Search

ni VA / Anthony E. Servinio - @Sports | November 16, 2020


ree


Namayani ang Pilipinas at Australia sa unang araw ng 2020 FIBA ESports Open II Sabado ng gabi matapos parehong magtala ng tatlong panalo at maagang siguraduhin ang kanilang pagharap para sa kampeonato ng Timog Silangang Asya at Oceania. Ang seryeng best-of-three para sa kampeonato ay nilaro noong Linggo ng gabi.


Hindi maganda ang simula ng kampanya ng E-Gilas at natalo agad sa mga Australyano, 53-70. Subalit hindi sumuko at bumawi ang mga Pinoy sa pamamagitan ng tatlong sunod-sunod na tagumpay.


Nahanap ng Pilipinas ang kanilang paboritong sandata, ang three-points na hindi gumana laban sa Australia, at binuhos ang sama ng loob sa Indonesia, 65-37. Nanguna para sa mga Pinoy sina Aljon Cruzin na may 28 puntos at Rocky Brana na may 17 puntos.


Sumunod ang pangalawang pagharap sa Australia at nakaganti ng malaki ang Pilipinas, 81-55. Nagpaulan muli ng kaliwa’t kanan na tres ang E-Gilas upang lumayo agad at nagulat na lang ang kalaban.


Biglang nasubukan ang tibay ng loob ng mga Pinoy sa 65-50 na pangalawang panalo sa Indonesia. Sinayang ng Pilipinas ang 53-40 at nagpasabog ng 10 sunod-sunod na puntos ang mga Indones upang manakot, 50-53, subalit sinagot ito ng apat na tres sa loob ng huling minuto ng mainitang laban upang makatakas.


Tinalo rin ng Australia ang Indonesia ng dalawang beses, 75-61 at 80-59. Tabla ang Pilipinas at Australia sa kartadang 3-1 panalo-talo habang walang panalo ang Indonesia na 0-4 upang magpaalam kahit may nakatakdang tig-dalawang laro ang mga koponan sa elimination round.


Samantala, isang panalo nalang ang kailangan ng Saudi Arabia para umulit bilang kampeon ng Gitnang Silangan kontra sa Lebanon, 3-1. Nanalo ang mga Saudi sa unang laro, 73-69, pero natabla ng Lebanon ang serye sa pangalawa, 56-50.


Nagising ang Saudi Arabia at kinuha ang sumunod na dalawang laban, 62-45 at 71-64. Sa Aprika, lumamang ng walang hirap ang Cote d’Ivoire, 3-0, bunga ng suliranin sa internet sa panig ng Gabon.

 
 

ni VA - @Sports | August 30, 2020


ree


Muling sasabak sa virtual hardcourt ang E-Gilas Pilipinas bilang Playbook Laus Esports (PLE) club ngayong araw na ito kontra sa mga pinakamagagaling na Asian esports teams sa idaraos na NBA2K20: The Pacific Pro-Am tournament.


Buhat sa kanilang matagumpay na performance sa FIBA Esports Open noong nakaraang Hunyo, kabilang sa makakatunggali ng Nationals ang mga koponang Taiwan’s The Answer, Hong Kong’s Secret Loves, Indonesia’s Take Over, Korea’s Promy, Singapore’s Team Tekong at Japan’s 2KJ.


Makakasama nila ang isa pang Pinoy esports squad-ang Bad Boys sa pagsabak sa dalawang araw na torneo na suportado ng SMART, Philippine Esports Organization (PEsO) az Esports National Association of the Philippines (ESNAP).


Optimistiko ang koponan na muling magwawagi ng international title sa tulong at pagsuporta na rin sa kanila ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).


I wouldn’t say our chances are very high but I’m confident that we can make it. We are well prepared for this,” wika ni Rial Polog Jr.


The SBP continues to support Philippine basketball, even the virtual kind, and we are enthusiastic about the possibilities The Pacific would bring in fostering greater ties between the Philippines and other countries,” pahayag naman ni SBP president Al Panlilio.


Makakasama ni Polog Jr. sa koponan sina Aljon Cruzin, Custer Galas, Philippe Herrero IV at Clark Banzon na sya ring kakampi nya nang magwagi sila ng Southeast Asian Conference title sa inaugural FIBA esports tournament.


Nais ng koponan na mas maging maganda ang kanilang chemistry bilang paghahanda sa susunod na FIBA Esports tournament sa Oktubre maliban sa pagkamit ng Asian title at premyong $10,000 (P500,000).


Maaaring subaybayan ang event sa GG Network at ONE Sports.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page