top of page
Search
  • BULGAR

Gilas Pilipinas, pipiliting bawian ang Angola sa FIBA

ni Anthony E. Servinio @Sports | August 27, 2023



Mga laro ngayong Linggo:

4 p.m. Italya vs. Dominican Republic (Araneta)

4:45 p.m. Montenegro vs. Ehipto (MOA)

8:00 p.m. Pilipinas vs. Angola (Araneta)

8:30 p.m. Lithuania vs. Mexico (MOA)


Malaking pagbawi ang layunin ngayon ng Gilas Pilipinas sa kanilang pagharap ngayong Linggo sa Angola sa pagpapatuloy ng 2023 FIBA World Cup sa Araneta Coliseum simula ng 8 p.m. Panahon na upang kalimutan ang mapait ng 81-87 na talo sa Dominican Republic noong Biyernes at simulan muli ang paghanap ng unang panalo sa Grupo A.


Biglang naulila ang mga Pinoy sa pagkawala ni Jordan Clarkson sa huling 3:36 ng laban bunga ng limang foul. Sa gitna ng talo ay marami pa ring positibong aral na nakuha ang Gilas, lalo na ang ipinamalas ng mga malalaking sina June Mar Fajardo at AJ Edu laban kay NBA All-star Karl-Anthony Towns.


Mahalaga na maulit ito kontra sa Angola na halos kapantay ng mga Pinoy sa FIBA Ranking na ika-42 na dalawang puwesto sa Pilipinas na ika-40. At sa pagbabalik ni Clarkson, tiyak na mas gaganahan ito na maihatid ang panalo sa kanyang pinakaunang World Cup.


Sa ibang mga laro na nakumpleto noong Biyernes ng gabi, naglikha ang Canada ng nakakagulat na 95-65 panalo sa Pransiya sa Jakarta. Pinatunayan ni Shai Gilgeous-Alexander kung bakit bahagi siya ng All-NBA First Team at nagbagsak ng 27 puntos.


Madali ring iniligpit ng Latvia ang Lebanon, 109-70 sa naunang laro. Tinambakan ng Alemanya ang co-host Japan sa Okinawa Arena, 81-63, sa likod ng 25 puntos ni Moritz Wagner ng Orlando Magic.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page