top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Gilas Pilipinas, finalist na sa battle for gold vs. Cambodia

Writer: BULGAR
BULGAR
May 16, 2023
1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 16, 2023



Buhay na buhay ang misyon ng Gilas Pilipinas upang mabawi ang ginto sa Men's Basketball ng 32nd Southeast Asian Games matapos durugin ang defending champion Indonesia, 84-76, kagabi sa Morodok Techo.


Namayani ang malaking pusong Pinoy ni Justin Brownlee at mag-isa niyang ibinuhat sa kanyang balikat ang buong sambayanang umaasa sa kanilang tagumpay. Niyanig ni Justin Brownlee ang palaruan sa kanyang magkasunod na tres na nagbigay ng lamang sa Pilipinas, 76-74, at 3:08 sa orasan. Hindi pa siya tapos at sumaksak para maging 78-74 at mula doon ay walang nakapigil sa kanilang martsa sa tulong Nina Chris Newsome at Brandon Ganuelas-Rosser. Nagtapos na may 34 puntos si Brownlee. Sumunod sina BGR na may 13 at Arvin Tolentino na may 10. Haharapin ng Gilas para sa ginto ang Cambodia na nanaig sa Thailand sa kabilang semis, 76-66. Tiyak na gagawin nila ang lahat upang makabawi sa host at kanilang anim na Amerikano ngayong araw.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page