top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Gilas paalam sa gold medal tinalo ng China sa Asiad

Writer: BULGAR
BULGAR
7 hours ago
1 min read

by Anthony Servinio @Sports News | September 14, 2026



Gilas paalam sa gold medal tinalo ng China sa Asiad

Photo: Gilas Pilipinas


Paalam gintong medalya. Binigo ng Tsina ang defending champion Gilas Pilipinas, 105-61, para wakasan ang kampanya ng mga Filipino sa Aichi-Nagoya Asian Games Men's Basketball sa Aichi International Arena.


Kinailangan ng mga Pinoy na manalo o kung hindi, huwag matalo ng mahigit 38 puntos. Umiwas ang mga Intsik sa komplikasyon at lumayo agad sa unang 10 minuto, 36-20.


Unti-unting lumaki ang agwat sa matalas na shooting ng Tsina - pasok ang 42 ng 82 tira o 51% kumpara sa 23/71 ng Gilas o 32%. Kontrolado rin ng mga Intsik ang rebound, 55-36, at assist, 24-18. Lumubog ang Pilipinas sa 1-2 at -17 ang kabuuang lamang. Nawalan ng bisa ang kanilang 109-78 tambakan sa Kazakhstan noong isang araw na pagbawi sa 85-89 talo sa Bahrain upang buksan ang torneo.


Tanging si Calvin Oftana ang gumawa para sa Gilas na may 13. Sumunod sina Sedrick Barefield na may 9 at Don Trollano na may 7 lang at nawala ang itinuturing na pinakamahalagang ginto para sa mga Pinoy.


Samantala, nanigurado ang Bahrain at dinurog ang Kazakhstan sa naunang laro, 101-78, at tumuloy sa quarterfinals. Halimaw muli si Jakarr Sampson na may 23 habang 20 si Mustafa Rashed para umunlad sa 2-1 at pangalawa sa Grupo C.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page