Giga, semifinalist na, dinurog ang FiberXers
- BULGAR
- Jul 28, 2022
- 1 min read
ni Gerard Arce - @Sports | July 28, 2022

Umabante patungo sa semifinals ang TNT Tropang Giga matapos na kaldagin ang Converge FiberXers sa iskor na 116-95 upang tuluyang patalsikin ito sa kompetisyon sa 47th PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum kahapon.
Bumirada ng todo si Fil-American Mikee Williams ng 24 puntos sa kabuuang 26pts sa first half kasama ang 4 assists at 1 rebound sa 7-of-13 field goal shooting at 4-of-7 sa tres, kung saan maagang ipinadama ng Tropang Giga ang hagupit ng opensa nang itala agad ang 70 puntos kontra sa 42 sa first half, habang napalobo sa biggest lead sa 33 puntos sa 116-83 sa last period mula sa 4:08 ng laro mula sa lay-up ni Fred Tungcab.
Nakakuha rin ng tsansa ang defending champion na makapagpahinga at maghintay ng susunod na makakalaban sa pagitan ng Magnolia Timplados Hotshots at NLEX Road Warriors sa susunod na round.
Sumegunda sa puntusan sina Troy Rosario sa 18pts at 7 boards, Roger Pogoy sa 16pts, 3 boards, 3 assists at 3 steals, gayundin ang pagsuporta ng mga beteranong sina Jayson Castro na may 15pts at Kelly Williams na may 10pts.
Magtatapos ang kampanya ng bagong koponan na FiberXers, na nabili ang prangkisa ng Alaska Aces, sa kauna-unahang pagpasok sa quarterfinals, na pinagbidahan ni rookie Tyrus Hill na may 18pts sa 8-of-13 shooting, habang nag-ambag si Mike Digregorio ng 14pts at David Murrell ng 11pts, samantalang nagbigay ng tig-10pts sina Abu Tratter at Maverick Ahanmisi.
.





Comments