top of page
WINNER - MICHELLE, ATRAS NA SA PAG-JOIN SA MISS GRAND INTERNATIONAL ALL STARS 2026_IG _mic

GF, spoiled, ‘wag lang mainitan… ECHO, NAGPADALA NG VAN SA TAPING PARA STANDBY AREA NI JANINE

Writer: BULGAR
BULGAR
20 hours ago
4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 22, 2026



SHOWBIZ SPECIAL - ECHO, NAGPADALA NG VAN SA TAPING PARA STANDBY AREA NI JANINE_IG _janinegutierrez

Photo: IG _janinegutierrez



Puring-puri ni Janine Gutierrez ang boyfriend na si Jericho Rosales sa pagiging gentleman, caring at thoughtful nito.


Sa ginanap na Spotlight mediacon ng Star Magic recently, naikuwento ni Janine na nagulat din siya nang bigla siyang kargahin ni Echo nu’ng dumalo sila sa Manila International Film Festival sa Los Angeles last September, 2026. Wala raw siyang kaide-ideya sa gagawin ni Echo at hindi rin daw totoong sinabihan niya itong buhatin siya para ‘di mabasa sa baha. Kusang-loob ‘yun ng aktor.


At sa taping nila ng Loyalty Game noong summer sa Iloilo, nahihiya pang inamin ni Janine na nagpadala ng sariling van niya si Echo para raw maging standby area nila dahil napakainit sa location.


Ganu’n daw talaga ang ugali ng aktor, laging iniisip ang kapakanan ng kanyang mga co-stars at maging ng production crew, kaya feeling blessed and proud talaga si Janine sa boyfriend.


Anyway, after ng Loyalty Game, thankful naman si Janine sa bago niyang mystery-thriller series sa Netflix, ang Balaraw dahil ito ang nagbigay sa aktres ng pagkakataong gampanan ang isang karakter na humarap sa iba’t ibang hamon. 


Proud si Janine sa kanyang underwater scene sa Balaraw at hindi raw talaga niya makakalimutan ‘yun dahil hindi CGI (computer-generated imagery) ang eksena, ginawa talaga niya.


“Hindi ‘yun CGI, nandoon ako, hindi ako humihinga,” kuwento niya.

Laking-pasasalamat ng aktres sa lahat ng nanood at tumangkilik sa Balaraw, lalo na’t napapanood ang serye hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng Netflix. Naging bahagi rin ito ng Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines at umabot sa unang puwesto sa listahan.


Gusto ni Janine na makagawa pa ng iba’t ibang proyekto, makapagkuwento ng iba’t ibang istorya, at gumanap sa mga papel na susubok sa kanyang talento bilang artista.

Tulad ng “balaraw,” patuloy na hinahasa ni Janine ang kakayahan niya at handa siyang harapin ang mga susunod pang oportunidad sa kanyang karera.





Humingi rin ng dasal para sa madir… 

RUFFA, KINUMPIRMANG OKAY NA SINA ANNABELLE AT SARAH



INAMIN ni Ruffa Gutierrez sa isang panayam sa kanya kaugnay ng isa sa kanyang mga endorsements na recently ay may mabigat na pinagdaanan sa kalusugan ang kanyang inang si Annabelle Rama.


Naging emosyonal pa nga si Ruffa habang humihingi ng dasal para sa kanyang Mommy Annabelle na aniya, habang tumatanda ay hindi siyempre maiwasang magkaroon na ito ng iba’t ibang karamdaman.


Pero sa ngayon, unti-unti naman na raw nagre-recover ang kanyang mommy at sana nga raw ay ipagdasal ito ng marami.


Mas gusto na rin daw ni Ruffa na muling marinig na nagtataray ang kanyang ina kesa tahimik ito at may dinaramdam na sakit.


Samantala, isa rin sa mga nilinaw ni Ruffa ay ang relasyon ng kanilang pamilya sa estranged wife ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati.


Ani Ruffa, matagal nang okay ang kanyang inang si Annabelle at si Sarah. Nag-usap na raw ang dalawa mula pa nu’ng pumanaw ang sister-in-law niyang si Alexa sa brother na si Elvis. 


Hindi lang daw alam ‘yun ng mga tao at hindi naman na nila kailangang ipaalam pa, pero sana raw ay tigilan na si Annabelle ng mga tumitira rito dahil kay Sarah.

Ino-honor pa rin naman daw nila si Sarah bilang ina ng kanyang mga pamangkin na sina Zion at Kai.


Okay din naman daw ang relasyon nina Ruffa at Sarah kahit ‘di sila nagkikita. At maging sina Richard at Sarah ay okay din daw ang relasyon bilang co-parents ng dalawang bata.


Well, we’re praying for Tita Annabelle’s speedy recovery. Kilala sa showbiz si Tita A na palaban at mataray, pero sa totoo lang, malambot ang puso niya at masarap ding magmahal.





HINDI pinangarap ng 31-anyos na chef na si Charlie Jeong na maging culinary expert dahil Marine biology ang tinapos niyang kurso. 


Sinabihan na rin daw siya ng lola niya na ‘wag magtayo ng resto business dahil mahirap at nakakapagod.


Pero nang pumunta siya sa Pilipinas mula sa Korea 3 yrs. ago para magtayo ng business, naging profession na niya ang pagluluto.


“Dahil nakita ko kung gaano kamahal ng mga Pilipino ang Korean samgyeopsal, ninais ko ring ipakilala ang iba pang putahe ng Korean cuisine,” ani Chef Charlie.


Hindi magaling mag-Ingles nu’ng simula pero dahil sa pagtatayo niya ng resto, nagkaroon siya ng konek sa mga Pilipino thru food. 


"Habang mas nakikilala ko ang bansa, lalo ko itong nagugustuhan," sabi niya. 

Ang una niyang business sa ‘Pinas ay ang Myeongdong Korean Restaurant sa Tomas Morato, QC. Sumunod ang Seocho 1978, isang premium Korean grill sa Mother Ignacia Avenue. Meron din siyang Drunken Tiger Bar sa Tomas Morato.


Ang pinakabagong dagdag sa mga negosyo niya ay ang Nami Garden Café. At sa ngayon, nakipagtulungan na rin siya sa restaurateur na si Marvin Agustin sa isang cooking competition, pati na rin sa Korean TV host na si Ryan Bang.


Matapos ang tatlong taon sa Maynila, inamin ni Charlie na puwede na niyang tawaging pangalawang tahanan ang Pilipinas. 


"Masaya naman laging bumalik sa Korea at makita ang pamilya ko, pero paglipas ng ilang araw, hinahanap-hanap ko na ang buhay ko sa Pilipinas. Palagay ko, 'yung katotohanan na inaabangan kong makabalik dito ang dahilan kung bakit parang tahanan ko na rin ito," pahayag pa ng Korean chef.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page