top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

GF, pinaglaruan lang daw… DEREK, MAY IBANG BABAE KAYA HINIWALAYAN NI ANDREA

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 19, 2020
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 19, 2020




Base sa mga comments ng mga netizens sa naganap na paghihiwalay nina Andrea Torres at Derek Ramsay, ang aktor ang binabagsakan ng sisi ng lahat.


Umiral na naman daw ang pagka-chickboy ni Derek at nagsawa na kay Andrea. Ganu'n naman daw talaga ang ugali ng aktor, papalit-palit ng babae at hindi nagseseryoso sa pakikipagrelasyon.


Kaya nang aminin nila ni Andrea sa publiko ang real score sa kanila, iisa ang naging reaction ng lahat — magsisisi lang daw si Andrea dahil mauuwi lang din sa paghihiwalay ang relasyon nila ni Derek.


Magsasawa rin daw agad si Derek at iiwanan siya tulad ng mga naunang GF ng aktor.


Maraming naaawa ngayon kay Andrea. Maraming babae ang nakikisimpatya sa kanya. Pinaglaruan lang daw ni Derek ang kanyang damdamin. Lagi na lang siyang brokenhearted at hinihiwalayan ng kanyang mga naging karelasyon.


Si Derek ngayon ang durog na durog sa mga netizens. Bina-bash siya ngayon nang husto at maging ang mga fans ni Andrea ay galit sa kanya.


Nakatagpo na nga raw si Derek ng isang disenteng babae na perfect maging life partner ay pinakawalan pa.


May bali-balita na may third party sa hiwalayan nina Derek at Andrea. May bagong babae raw ngayon ang aktor na ipinalit kay Andrea.


Well, maaasahan bang magsasalita ang ex-couple sa real score kung bakit sila naghiwalay?


Tumagal lang nang isang taon ang kanilang relasyon pero nagsalita na si Derek na si Andrea na ang babaeng kanyang pakakasalan at iaakyat sa ipinatayo niyang bahay.


Pakiusap naman ng ilang kaibigan ng dalawa, bigyan sila ng space at katahimikan upang makapag-isip nang maayos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page