GF ni Kobe, sobrang gifted… ERIKA, NAGPABAWAS NG BOOBS SA SOBRANG LAKI
ni Nitz Miralles - @Bida | July 14, 2022

Sumailalim sa breast reduction surgery ang girlfriend ni Kobe Paras at anak ni Ina Raymundo na si Erika Poturnak.
Ibinalita ito ni Erika sa TikTok at nag-post ng photos niya na parang nasa clinic siya at may caption na “Happiest day of my life” at nakangiti siya.
Boobsie kasi si Erika at bukod sa magandang mukha, ang boobs agad ang napapansin ng mga nakakakita sa kanya at pati sa photos niya sa social media. Hindi nabanggit ni Erika kung ilang inches na lang ang boobs niya after the surgery at marami rin ang excited na makita siya ngayon.
Hindi naiwasan ang mga comments na ang iba, nagpapa-breast augmentation para lumaki ang boobs at ang iba, gumagamit ng push-up bra, pero si Erika, nagpabawas.
Anyway, nagsalita na si Benjie Paras sa relasyon ng anak na si Kobe kay Erika. Wala raw siyang karapatang makialam dahil personal na bagay ito at nasa edad na ang anak.
Nakikialam lang daw siya sa basketball career ng anak dahil ito ang alam niya.





Comments