GF ni John Lloyd, BFF na niya… ELLEN KAY ISABEL: BEST STEPMOM, MAHAL KITA!
- BULGAR

- 11 hours ago
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | June 7, 2026

Photo: Isabel Reyes Santos at Ellen Adarna - Instagram
Taos-pusong nagpasalamat si Ellen Adarna kay Isabel Santos sa kabutihan nito sa kanyang pamilya.
Sa kanyang IG Story kung saan tinawag niyang “best stepmom” at sinabing mahal niya ang bagong girlfriend ng ex-partner niyang si John Lloyd Cruz, agad namang nagbigay ng matamis na tugon si Isabel at pinasalamatan din si Ellen sa pagiging mabuting kaibigan at “everyday textmate” raw niya.
Magkakasama sina Ellen, John Lloyd, Isabel at ang mga anak ng aktres sa masayang Boracay trip kung saan sila ay masayang nag-swimming, diving, kayaking at videoke bonding.
Ipinakita ni Ellen ang mga candid moments ng pamilya at mga kaibigan na nag-enjoy sa dagat, sa yate, at sa kanilang masayang pagsasama na ikinatuwa ng mga netizens.
Sa videoke session, makikita si John Lloyd na kumakanta ng Closer You and I katabi si Isabel, na tila hinaharana pa niya sa ilang kuha ang girlfriend.
‘Kaaliw namang nilagyan ni Ellen ng caption ang kuha ng celebrity couple.
“Ang tamisss, ahaha,” aniya, na nagbigay-kilig sa mga tagasubaybay at nagpapatunay ng magandang samahan ng tatlo.
Kapansin-pansin din ang kasiyahan ni Ellen para kina John Lloyd at Isabel, batay sa mga snaps na ibinahagi niya habang pinipiktyuran ang dalawa sa kanilang yate, gayundin ang mga sandali kung saan masayang nakikipaglaro sina John Lloyd at Isabel kay Lili, na nagpakita ng maayos na relasyon at respeto sa isa’t isa sa kabila ng kanilang past.
Ibinahagi rin ni Ellen ang kanilang litrato na may caption na: “Eh, un iniyakan kita for being the best stepmom mahal kita! @isabelreyessantos.”
Agad namang ini-repost ni Isabel ang naturang post at nagpasalamat din kay Ellen.
“Love youuu, thank you for being a friend and everyday textmate,” saad ni Isabel sa kanyang IG Stories.
GINUNITA ni Baron Geisler ang ika-44 niyang kaarawan last June 5 sa pamamagitan ng isang madamdaming post na may kalakip na mga larawan sa kanyang Instagram account.
Ang mga litrato, na kuha ng photographer na si Myk Yco, ay nagpakita ng iba't ibang mood at porma ng aktor. Kalakip nito ang maikli ngunit makahulugang mensahe: “Season 44. The story continues.”
Agad na bumuhos ang mga pagbati mula sa kanyang mga tagahanga, kaibigan, at mga personalidad sa industriya ng showbiz, na nakisaya sa panibagong yugto ng kanyang buhay.
Bukod sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan, nagsilbi rin ang post bilang isang personal na pahayag tungkol sa pagpapatuloy ng kanyang paglalakbay sa buhay at karera.
Patuloy na tinatamasa ni Baron ang suporta ng publiko, na matagal nang nakasubaybay sa iba't ibang yugto ng kanyang propesyon.
Kilala si Baron bilang isa sa mga pinakamahuhusay na aktor sa bansa. Nakilala siya sa mga proyektong gaya ng Tililing at Doll House.
Kamakailan din siyang naging bahagi ng FPJ's Batang Quiapo, kung saan ginampanan niya ang mga karakter na sina Rockyboy Mondragon at Bernard Aguirre.
Sa mga naunang panayam, ipinahayag ni Baron ang kanyang pasasalamat sa kanyang asawang si Jamie Marie Geisler, na aniya'y malaking bahagi ng kanyang personal na paglago at tumutulong sa kanya upang manatiling nakatuon sa pagiging mabuting asawa at ama.
Sa edad na 44, ipinakita ni Baron Geisler na nagpapatuloy ang kanyang kuwento—sa kanyang buhay, pamilya, at karera.





Comments