top of page

GF, humirit na panira sa career ang relasyon nila… PAUL, NAG-WALKOUT SA INTERVIEW SA KANILA NI MIKEE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 13, 2023
  • 1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | March 13, 2023




Naging guests namin sa aming Marites University podcast ang real-life sweethearts na sina Paul Salas at Mikee Quintos.


Sa gitna ng aming masayang tsikahan tungkol sa 1 1/2-year-old relationship nila ay bigla ba namang nag-walkout si Paul matapos nitong marinig ang naging tugon ni Mikee sa tanong ni kasamang Rose Garcia.


“Baka raw po makasira ako sa career niya kung gagawin naming public o mag-out kami,” reaksiyon ni Mikee sa tanong.


Seryoso, galit at nagpaalam bigla si Paul sa amin sa gitna ng huntahan dahil aniya, “Walang ganu'n. Bakit kailangang pag-usapan dito 'yan?”


Natulala si katotong Jun Nardo habang tarantang aawat si Rose sa lumabas na ring si Mikee para kausapin ang nobyo.


At ang inyong lingkod ay chill at cool lang, hahaha!


Super react din ang aming staff and crew sa mga ganap hanggang sa bigla na lang magsigawan ang mga ito na “na-prank” kami ng mag-jowa, hahaha!


Kayhuhusay umarte ng dalawa, very convincing!


Kaya naman sa latest serye nilang TheWrite One, hindi ka na magugulat kung effective rin silang partner nina Ruru Madrid at Bianca Umali.


Yes, sa naturang teleserye ay nag-exchange partners sila sa istorya at ayon sa dalawa, “No big deal. Parte po ng trabaho at trabaho lang.”


Komentar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page