GF, ayaw na raw itago, pero… COCO, HIYANG-HIYA NA MAGING SWEET KAY JULIA IN PUBLIC
- BULGAR
- Jan 16
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Jan. 16, 2025
Photo: Julia Montes at Coco Martin - Instagram
Marami ang natutuwa na open na si Coco Martin ngayon tungkol sa kanyang relasyon kay Julia Montes, unlike few years ago na talagang napaka-secretive niya when it comes to his love life.
Sa panayam ni Coco sa Toni Talks (TT) vlog, pinuna rin ito ng host na si Toni Gonzaga.
“Naalala ko noong 2015, itanong mo lahat sa kanya, bold, lahat, indie, itanong na lahat pero ‘wag mong tatanungin sa love life ‘yan,’” kuwento ni Toni habang tawa naman nang tawa si Coco.
Kaya raw kapag nag-uusap sila noon ng aktor, puro tungkol sa trabaho at sa mga pangarap nito ang kanilang pinag-uusapan.
“Pero ngayon, open ka na,” sey ni Toni kay Coco.
Paliwanag naman ng aktor, “Actually, hindi ako open. Mayroon lang akong mga certain na kahit paano, isine-share ko.”
Sey pa niya, ayaw naman niyang i-deprive si Julia sa mga bagay na dapat nitong maranasan sa isang karelasyon.
“Ayoko namang ipagkait kay Juls na ni hindi man lang kami makalabas, makakain, ‘di ko man lang siya masuportahan,” sey niya.
Kantiyaw ni Toni, “Uy, ngayon, sumu-support ka na! May pa-bulaklak na! Wow, this is really the new Coco! ‘Eto na talaga ang bagong Coco! May pagka-showy na talaga s’ya.”
Aniya pa, expressive na raw ang aktor ngayon.
Natatawang nahihiya naman si Coco at sey niya, “Hindi naman.”
Pero seryosong paliwanag ng aktor, ayaw na raw niyang itago pa ang kanilang relasyon.
“Alam mo kasi, Tin, kasi kami dati, nakatago, eh. Siyempre minsan, alam ko, ‘di man niya sa ‘kin sinasabi, na para bang, ‘Ano ‘to, habambuhay na lang na para bang. . . parang never mo akong. . .’ Alam mo ‘yun, ‘di ba?” sey ni Coco.
Gusto naman daw niyang ipakita sa lahat ang pagmamahal kay Julia, even in a simple way katulad ng pagdadala ng flowers sa set o sa premiere night ng proyekto ng aktres.
Talaga raw hindi siya sanay sa mga ganito at ikinuwento ang isang experience na halos ayaw niyang iabot ang flowers kay Julia dahil nahihiya siya.
“Nahihiya ako, eh. Kasi, parang corny, hindi ko personalidad,” natatawang sabi ng aktor.
“Hindi ko alam ang gagawin ko, parang awkward sa ‘kin, eh,” dagdag pa niya.
Pinuri naman ng mga netizens ang pagiging considerate ni Coco, hindi lang sa girlfriend kundi sa kanyang buong pamilya rin.
NASA mood si Vic Sotto nang humarap sa mediacon ng bago niyang ineendorsong produkto, ang Santé Barley, na ginanap noong Martes. Talaga namang game na game niyang sinagot ang katanungan ng entertainment press about him.
‘Yun nga lang, hindi puwedeng pag-usapan ang kasong isinampa niya laban kay Darryl Yap dahil may gag order na ang magkabilang kampo.
Isa nga sa mga naitanong kay Bossing ay kung paano niya napapanatili ang kanyang staying power sa entertainment industry pati na ang positive image sa publiko.
“Clean living lang,” aniya.
Paliwanag niya, “‘Wag kang umapak ng ibang tao, ‘wag kang mang-alila. ‘Wag kang maangas. Stay humble.”
Diin niya, “Humility, for me, is a very important word. ‘Wag kang magyayabang. Relax ka lang sa buhay.”
Dedma na raw siya sa stress at lahat ng pagsubok ay ipinauubaya na niya sa Diyos.
“Basta trust in God. With God on your side, wala ang mga stress na ‘yan. Kayang-kaya. Hindi ko pinapansin ‘yan. Kung anuman ang pagsubok, basta you trust God, tanggal lahat,” saad ni Bossing.
“I’m very thankful na I have my family supporting me, my friends, friends from the business. I’m very thankful. Maraming salamat sa kanila, sa lahat ng tao.
“Hindi naman puwedeng hindi ka maapektuhan pero kumbaga, ipagpasa-Diyos mo na lang at wala na ‘yun.
“Kung ano man ang estado ko ngayon, kung ano man ang narating ko, I always lift everything to God. Siya naman talaga ‘yung direktor natin. Siya ang lahat. Go with the flow,” dagdag niya.
Kilala si Bossing sa kanyang commitment sa malusog na pamumuhay, sa kanyang koneksiyon sa kanyang mga fans, at siyempre, sa kanyang dynamic onscreen presence, kaya naman siya ang napisil ng Santé Barley na perfect na maging ambassador ng produkto.
Excited si Bossing sa partnership.
Aniya, “Honored ako to join Santé Barley sa kanilang misyon na i-empower ang mga Pinoy na mamuhay ng mas maayos. Good health is a gift, and we all have the power to nurture it with the right choices. May tiwala ako sa Santé Barley at excited ako na ibahagi ito sa mga tao.”
Comments