top of page

German worker, inilusot ang painting sa museum, tinanggal sa trabaho

  • Writer:  BULGAR
    BULGAR
  • Apr 11, 2024
  • 1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 11, 2024




Ibinida ng German museum worker sa isang gallery sa kilalang museum sa Munich ang kanyang sariling obra dahilan para siya ay matanggal sa trabaho.


Ang 51-anyos na exhibition technician at self-proclaimed na 'freelance artist' ay nakapagpuslit ng isa sa kanyang mga painting sa Pinakothek der Moderne sa Munich, Germany, nu'ng Pebrero 26 at inilagay ito sa isang pader sa isa sa mga gallery, ayon sa German tabloid na Süddeutsche Zeitung at sa pulisya ng Munich.


Agad namang inalis sa display ang nasabing obra matapos itong madiskubre ng mga security personnel.


Kasalukuyan na ring iniimbestigahan ng pulisya ang lalaki para sa mga kasong damage to property at isang krimen na maaaring magdala ng multa o sentensyang pagkakakulong na hanggang 2 taon kung siya ay mapatunayang guilty.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page