Nu’ng sila pa ni Bea, toxic daw… GERALD, SUPER HAPPY KAY JULIA DAHIL SWAK NA SWAK
- BULGAR
- Mar 10
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | Mar. 10, 2025
Photo: Julia Barretto at Gerald Anderson - Instagram
Ang daming kinilig na mga netizens sa birthday message ni Julia Barretto para sa boyfriend na si Gerald Anderson na nag-birthday last March 7.
Ipinost ni Julia ang mga sweet photos nila ni Ge sa kanyang Instagram (IG) account. Simpleng mensahe pero very touching ang pagbati ni Julia:
“The kindest, most selfless person. Happy birthday, love,” aniya.
Matatandaan nu’ng unang na-link sa isa’t isa ang celebrity couple ay ang daming humusga sa kanila. Nariyang si Julia ang dahilan kaya nag-break sina Gerald at Bea Alonzo. Pero, ipinagtanggol ng aktor ang young actress.
Nang inamin ni Gerald kay Boy Abunda ang relasyon nila ni Julia, inamin din niyang nasaktan siya sa breakup nila ni Bea.
“Being together we were very toxic, and hindi inirerespeto ‘yung explanation na ibinibigay mo, hindi tinatanggap after months and months and months and months of being on the rocks at medyo away? I mean ‘yun lang,” wika niya noon sa panayam ng King of Talk.
Taon din bago naging panatag ang relasyon ng JuRald. Tinanggap na nila ang relasyon ng celebrity couple dahil nakita naman ng mga netizens kung paano mag-give and take ang couple.
Sa ngayon ay kasal na lang ang kulang sa JuRald dahil magkasundung-magkasundo ang kanilang pamilya.
Komento nga ng mga netizens:
“A son who knows how to take care of his mom will be a great husband.”
“Masuwerte si Julia kay Gerald. Good provider s’ya.”
May nagkomento pang, “Siguro, ang laki ng pagsisisi ni Bea Alonzo nang pakawalan si Gerald. Nagkamali s’ya ng desisyong makipaghiwalay sa aktor.”
MAY gumagamit na namang scammer sa account ni Rufa Mae Quinto (RMQ). Nawindang ang komedyana-aktres nang makatanggap ng sumbong na may gumagamit na naman sa kanyang pangalan para makapanloko ng iba.
Ayon sa aktres, isang netizen ang nagsumbong sa kanya tungkol sa isang lalaking nagpapakilalang kaibigan niya at ginagamit umano siya sa pang-i-scam.
Nagbigay siya ng babala na hindi siya kailanman nanghingi o manghihingi ng pera sa kahit na sino. Inamin niyang may mga nag-alok ng tulong sa kanya ngunit nalaman niyang may kaugnayan ang mga ito sa scamming.
“Nakakaloka, friendship! May nagsumbong na naman sa ‘kin, kaya nag-react ako. Pakisabi naman, never akong nanghingi o manghihingi ng pera sa kahit na sino!” mariing pahayag niya.
“May mga taong nag-try mag-help, pero lahat pala, eh, nakisabay sa scamming issue. Kaya pa-clear na lang para hindi sila maloko at mahingan ng pera,” dagdag pa niya.
Nanindigan ang komedyana na hindi siya mananahimik sa ganitong klase ng pananamantala upang maprotektahan ang publiko laban sa mga mapanlinlang na indibidwal.
“Awrahan natin ‘yan, friendship! Hindi puwedeng hayaan na lang natin sila!” matapang na pahayag ni RMQ.
Dahil sa patuloy na panloloko gamit ang kanyang name, nagsumbong na siya sa NBI upang maprotektahan ang kanyang socmed account.
NAG-CELEBRATE ng ika-limang (5) kaarawan ang anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Dahlia. Ibinahagi ng TV host-aktres ang official snaps ng rainbow-themed 5th birthday party ng anak sa Instagram.
Simple lang ang kasuotan ng mag-asawa at hinayaan nilang mag-shine ang anak sa special day nito.
Ani Anne, “We now have a little 5-year-old.”
Komento ng mga netizens:
“Parang kailan lang when you announced that you’re preggy and now WE already have a five-year-old, beautiful Princess Dahlia. Happy birthday our darling!”
Comments