ni Beth Gelena @Bulgary| August 10, 2024
May part 2 ang pagsasalita ni Gerald Santos sa kanyang YouTube (YT) channel.
Napanood umano ng international singer sa Senate hearing ang pagdinig sa isyu ng pangmomolestiya sa Sparkle artist na si Sandro Muhlach.
Ramdam niya ang sakit nang mapaiyak si Niño Muhlach sa harap ng mga senador habang isinasalaysay ang pang-aabusong ginawa umano sa kanyang anak na si Sandro.
Ani Gerald, “Ipagpapatuloy ko po ang pagsasalita about this para matigil na ang pang-aabuso sa mga baguhang artists.”
Tulad ni Sandro, si Gerald ay biktima rin ng pangha-harass ng isang empleyado ng GMA-7 nu’ng siya ay 15 years old pa lang.
Ang daming nagsasabi na sana raw ay naimbitahan din sa Senado si Gerald para maisiwalat din niya ang nangyari noon sa kanya.
Sey ng mga netizens…
“I’m so disappointed with GMA for not hearing the voice of their talents like Gerald Santos, who has a talent, so genuine na sinayang n’yo.”
“OMG, so disappointed with GMA management. This is so evil! Kawawa naman ang mga bata, dapat pangalanan mo, Gerald, ang mga taong ‘yan para ‘di na sila mamayagpag d’yan kasi tiyak na may mabibiktima pa ‘yan. Salute to your courageous heart, the truth should prevail.”
True.
May bagong post si Priscilla Meirelles ukol sa pagbabalik niya sa Pilipinas.
Umuwi na ang mag-inang Priscilla at Anechka matapos magbakasyon sa Brazil.
Ani ng former beauty queen, “Glad to be back.”
Komento ng mga netizens… “Beautiful! I hope all is well. Life’s too short for worries.”
“You’re still the original, everything will be fine.”
“Ohh, you’re back. Gorgeous Queen, stay healthy physically, mentally and emotionally.”
Hopefully, maging maayos na ang lahat sa pagitan nila ng mister na si John Estrada.
Kung hindi nga totoong nag-cheat si John, sana ay maibalik nila ang tamis ng kanilang pagsasama.
Comments