Gensan Special at Shalom nakatatak sa Liyamadista
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | May 27, 2022
Markado sa mga liyamadista ang magkakamping Gensan Special at Shalom sa ilalargang PHILRACOM Rating Based Handicapping System sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite ngayong Biyernes.
Pusoy sa Karera Tipsters (KT) ng programa sina Gensan Special (#2) at Shalom (#2A) sa distansyang 1,300 meter na aarangkada sa pangalawang race.
May ipamumudmod na added prize na P15,000 sa unang kabayong tatawid sa meta sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Nakalaan ang karagdagang premyo pa na P5,000 sa mananalong kabayo, ang ibang kalahok ay sina Hook N Dancer, Olympic Gold, Hot Ticket at Izzy Does It.
Base sa komento ng mga karerista sa social media, posibleng magbigay ng magandang laban si Olympic Gold na rerendahan ni RM Adona.
"Mahuhusay 'yung magka-kuwadrang Gensan Special at Shalom pero kukuha pa rin ako ng dehado, puwede kong isama si Olympic Gold, ani Bernardo Cirillo, veteran karerista."
Maliban sa nabanggit na karera, inaasahan din na magandang laban ang masisilayan sa isang pang PHILRACOM-RBHS na ikakasa sa race 4.
Pitong kabayo ang magtatagisan ng bilis sa distansiyang 1,300 meter race, nasa listahan sina Queen Julliana, Julliana's Gold, Stalag Seventeen, High Quality, Opportunity, Constantinople at Jersy Crown.
Samantala, pitong karera ang pakakawalan ng Philippine Racing Club Inc. (INC) kaya tiyak na masaya ang mga karerista sa kanilang pananaya.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1. Black Magic Woman (5), Northern Fame (6), Temple Key (2)
Race 2. Gensan Special/Shalom (2/2A), Hook N' Dancer (1) Race 3. Keen Alisha (6), Oakhill Princess (5)
Race 4. Stalag Seventeen (2), Jersy Crown (7)
Race 5. Pilya (2), Inter State (4)
Race 6. Aida's Pet (6), Lava Walker (5)
Race 7. Sinag (7), Happy Kid/Kingwash Rebuilt (3/3A)





Comments