top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Gender equality at same-sex marriage, suportado ni P-Duterte

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 5, 2020
  • 1 min read

ni Lolet Abania | November 5, 2020




Suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala patungkol sa gender equality kasabay ng pagpapaubaya sa Congress ng Sexual Orientation and Gender Identity or Expression (SOGIE) Equality bill para aprubahan ito, ayon sa Malacañang.


Nakasaad sa probisyon ng SOGIE bill na ipinagbabawal ang diskriminasyon sa mga lesbians, gays, bisexual, transgender at queer people o LGBTQ sa mga lugar ng pinagtatrabahuhan at mga educational institutions.


“Malinaw na malinaw po ang paninindigan ng ating Presidente, naniniwala po siya na lahat po ng Filipino ay pantay-pantay anuman ang kanilang kasarian,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa news conference sa Catanduanes.


“Pero hinahayaan na po natin sa Kongreso kung ano ang magiging pinal na bersiyon ng SOGIE bill.”


Ito ang tugon ni Roque sa naging pahayag ng isang kinatawan ng Coalition of Concerned Families of the Philippines (CCFP) sa naganap na House committee hearing kahapon, kung saan nais ng panukala na baguhin ang LGBTQ community at gawin umanong “super special elite class.”


Subali’t ayon kay Bataan Rep. Geraldine Roman, ang unang transgender na nahalal sa Congress, ang “karapatang makapag-aral” at “karapatang makapagtrabaho” na itinutulak para sa LGBTQ community ay matatawag na “basic rights.”


Bukod sa gender equality, naipahayag din ni Pangulong Duterte ang pagsuporta niya sa same-sex civil unions o same-sex marriage.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page