Gee's Colt, mapapalaban kina Gugma at Magical Zap
ni Green Lantern - @Renda at Latigo |September 29, 2022
Mapapalaban si Gee's Colt pagsalang nito sa 2022 PHILRACOM 2-Year-Old & Above Maiden Race na pakakawalan sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ngayong gabi.
Sasakyan ni jockey Jommel Lazaro, inaasahang magiging mahigpit na kalaban ni Gee's Colt ang magkakamping Gugma at Magical Zap sa distansiyang 1,400 meter race.
Ayon sa komento naman ng ibang dehadista ay posibleng magbigay din ng magandang laban si Comanche Chief na gagabayan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jessie B. Guce.
"Maraming magagaling kaya sigurado kahit sino malaki ang tsansang manalo, para sa akin baka magtatlo pa ako sa gagawin kong winner take all (WTA)," saad ni Claro Legaspi, veteran karerista.
Ang ibang makikipagtagisan ng bilis sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chaiirman Reli De Leon ay sina Yachtmaster at Es Oh Pee.
Nakalaan ang added prize na P20,000 para sa winning horse owner kaya tiyak na bakbakan ang masisilayan ng mga karerista.
Bukod sa nabanggit na karera, tiyak na aabangan din ng mga karerista ang labanan ng walong tigasing kabayo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ikakasa sa unang karera.
Samantala, pitong races ang pakakawalan ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ngayong araw ng Huwebes, paniguradong masaya na naman ang paglilibang ng mga karerista.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Mabuhay (1), Rockaway (7), Etnad (6)
Race 2 - Commanche Chief (4), Gee's Colt (1)
Race 3 - Smart Julliane (2), Achi Holly (5), Kipitaki (7)
Race 4 - Honey Ryder (5), One For The Road (4), Great Dane (6)
Race 5 - Rhaegal (2), Plus (1), Shankara (7)
Race 6 - My Jopay (2), Doktora (3)
Race 7 - French Leather (4), Happy Kid (7), Classic Gee (8)





Comments