Search
  • BULGAR

GCQ sa buong Metro Manila, tuloy pa rin

ni Thea Janica Teh | June 28, 2020




Asahan na hindi mawawala ang community quarantine sa Metro Manila hanggang matapos ang buwan, sabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG).


Ibinahagi ni DILG spokesman Undersecretary Jonathan Malaya na sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, hindi mawawala ang General Community Quarantine (GCQ) status.


Bukod pa rito, tinitingnan na rin ang data mula sa technical working group para makagawa ng rekomendasyon para sa Interagency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease (IATF).


Sinisigurado rin ni Malaya na anumang desisyon ng IATF ay batay sa Science tulad ng bilang ng kaso na itinatala ng Department of Health (DOH).


Inaasahan na mag-aanunsiyo si Pangulong Duterte sa June 29 patungkol sa updated quarantine level.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.