top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Gayahin lang nina Roque at Pacman ang “palusot” na manyanita ni Gen. Sinas, lusot na sila sa kaso!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 30, 2020
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 30, 2020



CAYETANO, TUTOL NA IMBESTIGAHAN ANG SEA GAMES, TUTOL DIN PANGALANAN ANG MGA KORUP NA CONG.—Tutol si ex-Speaker Alan Cayetano sa hirit ni Sen. Risa Hontiveros na imbestigahan ang sinasabing anomalya sa 2019 SEA (Southeast Asia) Games na pinamahalaan ng foundation niyang Phisgoc (Philippine Sea Games Organizing Committee), at tutol din siya sa hamon ng ilang sektor sa PACC (Presidential Anti-Corruption Commission) na pangalanan ang 12 kongresistang sangkot sa katiwalian.


Imbes na suportahan ni Cayetano ang imbestigasyon sa SEA Games para malinis kanyang pangalan, at suportahang mapangalanan ang mga cong. na sabit sa anomalya, eh, kaliwa’t kanan ang pagtutol niya rito, buwisit!


◘◘◘


SA P400-BILYONG UUTANGIN, WALA SANANG MAPUNTA SA BULSA NG MGA “BUWAYA”—May dinidiskarte na naman ang pamahalaan para sa Bayanihan Act 3 para mangutang ng P400 bilyon sa World Bank, International Monetary Fund (IMF) at iba pang puwedeng utangan, na ang halaga raw na ito ay para pandagdag ayuda sa mamamayan at pondo sa mga ahensiya ng pamahalaan na naapektuhan sa pagbagsak ng ekonomiya dulot ng COVID-19 pandemic.


Sakaling may magpautang sa Pilipinas ng ganyan kalaking halaga, ang lahat ng P400-B ay sa mamamayan at sa mga ahensiya ng gobyerno sana mapunta, at hindi sa bulsa ng mga “buwaya”, period!


◘◘◘


MANGATUWIRAN LANG SINA ROQUE AT PACMAN NA NAGPA-MANYANITA SILA, BAKA LUSOT DIN SILA SA KASO—Nag-promise si Sec. Eduardo Ano ng DILG (Dept. of Interior and Local Gov’t.) na paiimbestigahan niya sina Roque at Pacquiao kung bakit hinayaan ng mga ito na malabag ang health protocols at social distancing sa mga dinaluhan nilang evens sa Cebu at Batangas.


Hay naku, mangatuwiran lang sina Roque at Pacman na nagpa-manyanita sila, lusot na sila sa kaso kasi ‘yan (manyanita) lang palusot ni dating NCRPO Director Debold Sinas nang mabuking na nalabag ang mass gathering sa kanyang birthday noon, eh, walang nangyari sa kaso, at sa halip, prinomote pa ni P-Duterte na maging PNP chief, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page