top of page
Search
  • BULGAR

Gastusin para sa livelihood program ng pamahalaan, kailangan ng mahigpit na pababantay!

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | September 17, 2020



Noong nakaraang linggo, iminungkahi natin sa National Economic and Development Authority at Philippine Statistics Authority na lumikha ng consolidated database para ma-monitor ang success rate ng mga livelihood program ng pamahalaan.


Ang mungkahi natin ay buhat nang malaman sa briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) para sa proposed 2021 National Expenditure Program na walang available na data tungkol sa mga government livelihood program.


Tinanong natin ang Overseas Workers Welfare Administration kung may monitoring ba ang repatriation grant para sa mga displaced OFW na umaabot sa halagang P20,000.


Ang sagot, bagama’t may mga “success stories” ng mga OFW na ginamit ang ayuda, walang kumpletong impormasyon kung ano nga ba ang naging impact nito sa mga beneficiary.


☻☻☻


Mahalaga ang database nang malaman natin kung matagumpay ba nating nakakamit ang objective ng mga livelihood program.


Limitado ang pera natin, at hindi tayo dapat basta-bastang gumagastos nang walang targeted approach.


Ang dapat, malinaw kung saan at kanino napupunta ang pera, at nasusubaybayan kung nagagamit ba ang assistance ayon sa layunin nito.


Sa pagkakaroon ng database, may safeguard tayo na hindi tayo nagtatapon ng mahalaga at limited na pondo para lang masabing may ginagawa tayo para sa mga kababayan natin.


Marami tayong ahensiyang may poverty alleviation program — kung walang monitoring, hindi natin malalaman kung nauwi ba sa wala ang paggastos natin ng bilyun-bilyon sa mga lumipas na dekada.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page