top of page

Gas-and-run, strikes again

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 30 minutes ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado / Mai Ancheta @News | May 6, 2026



Gas and run sa Mindanao Ave, QC - QCPD

Photo: QCPD / CCTV



Tinutugis na ng Quezon City Police ang isang lalaki na umano’y sangkot sa panibagong serye ng “gas-and-run” sa gasolinahan sa Mindanao Ave., Quezon City. 


Ayon sa report ng Quezon City Police District, naganap ang insidente alas-3:16 ng madaling-araw nitong Linggo sa Brgy. Bahay Toro.


Sakay umano ang suspek sa asul na sedan nang magpakarga ito ng gasolina na nagkakahalaga ng P1,500. 


Matapos makapagpakarga, agad itong tumakas nang hindi nagbayad.

Agad namang iniulat ng attendant ang insidente, dahilan upang magresponde ang pulisya at maglabas ng flash alarm.


Sinusuri na ng QCPD ang mga kuha ng CCTV sa lugar.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page