ni Angela Fernando @Entertainment News | June 19, 2024
Nahihiya nang aminin ni Gary Estrada na dati niyang ini-stalk si Dina Bonnevie dahil talagang type na type raw niya ito. Ito ay nausisa nang mag-guest ang aktor kasama ang asawang si Bernadette Allyson sa show na “Sarap, Di Ba?”
Ayon kay Gary, parang open secret naman sa lahat na naging stalker siya ni Dina at dinagdag pa nitong nagkasama rin sila sa isang pelikula before.
Hirit pa ng aktor, buti nga raw ay pumayag pa si Dina na gawin ang film kaya naman very lucky daw siyang sa kanya napunta ang role kahit na hindi talaga dapat siya ang gaganap na leading man sa pelikulang “Tag-Araw, ‘Tag-ulan.”
Matatandaang nauna na itong Ibinahagi ni Dina sa YouTube channel ni Snooky Serna at talagang tinalakan daw nito ang aktor matapos siyang sundan nito maging sa kanyang bahay at nilinaw raw ng aktres dito na hindi niya ito papatulan dahil bagets na bagets pa si Gary nu'ng mga panahong 'yun.
Σχόλια