top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Ganern?!!! SARAH, OUT SA THE VOICE KIDS DAHIL SA PERA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 22, 2022
1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | December 22, 2022




Hmmm, kung paniniwalaan natin ang mga ganap sa buhay at career ngayon ni Sarah Geronimo, mukhang malaking isyu diumano ang pera sa mga ginagawa nitong desisyon.


May tsismis kasing ang isa sa mga reasons kung bakit hindi na naka-join among The Voice Kids judges ang Pop Royalty ay dahil umano sa usaping talent fee.


Simula kasi nang kumalat ang isyu ng pagbabalik ni Sarah sa TV via A.S.A.P., nasundan agad ito ng isyu sa umano'y unprofessional na pamamalakad ng equally controversial mother niyang si Mommy Divine Geronimo sa mga empleyado nito.


Alam naman nating lahat na malaking factor si Mommy Divine sa mga usaping "career plans" ni Sarah kahit may asawa na ito dahil nangongomisyon pa rin ito sa mga kinikita ng anak.


At nang mag-anunsiyo nga ng pagbabalik-TV si Sarah, hindi na nabanggit ang The Voice Kids among her works lalo't napabalita na ngang sila ni Lea Salonga ang sinasabing hindi na muling uupo as judge sa naturang reality show.


Papalitan na nga sila nina KZ Tandingan at Martin Nievera. Si Bamboo na nga lang ang maiiwan mula sa mga original judges nito.


Meaning, hindi na worth ang TF ni Sarah sa kanyang presence sa show?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page