top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

Ganern, Kathryn? ALDEN, UMAMING LAGING INIIWAN NG MGA BABAE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 30, 2024
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | July 30, 2024



Showbiz News
Photo: Alden Richards / IG

Dumating na sa Canada si Alden Richards para sa shoot ng movie nila ni Kathryn Bernardo, ang Hello, Love, Again


Naunang dumating sa Canada si Kathryn at ang production team ni Direk Cathy Garcia-Sampana.


May promo pa kasi si Alden na kailangan niyang gawin para sa bago niyang show sa GMA-7, ang Pulang Araw.


Pagdating ni Alden sa Canada ay sumabak na agad siya sa set ni Direk Cathy. May nag-post sa Instagram (IG) ng short video clips nina Kathryn, Alden at Direk Cathy na nagsu-shoot sa outdoor location.


Siyempre, dahil marami ring Pinoy sa Canada kaya agad kumalat sa socmed (social media) ang mga videos ng KathDen (Kathryn at Alden) habang nagbibigay ng instruction si Direk Cathy sa kanila.


Hoping ang iba na ipasok ito ng Star Cinema at GMA-7 sa darating na Metro Manila Film Festival, pero mukhang malabo. Although, ‘di rin natin sure, baka maisipan din ito ng mga think tanks ng dalawang higanteng productions.


Pero ang hinihintay ng mga fans especially ng KathDen ay may mabuong romance sa mga idolo nila on-and-off screen.


Sa last interview ni Alden sa Fast Talk with Boy Abunda ay inamin niyang siya ang laging iniiwan ng mga nakarelasyon niya.


Ngayon ay marami ang umaasa na maging sila ni Kathryn sa totoong buhay. Kaya lang, ‘di pa man ay mukhang inilaglag na si Alden Richards ni Kathryn Bernardo dahil kay Dominic Roque.


Naku, panira talaga itong ex-boyfriend ni Bea Alonzo.     



INULAN ng pamba-bash si Georcelle Dapat-Sy o mas kilalang “Teacher Georcelle” ng G-Force sa mga sinabi niya tungkol sa relasyon nila ni Popstar Royalty Sarah Geronimo.

Until now, pagkatapos ng kontrobersiya ng hindi niya pag-participate at ng kanyang dance group na G-Force because of “artistic differences” with Sarah sa last concert nito, ayon kay Georcelle, hindi pa rin daw sila nagkakausap ng misis ni Matteo Guidicelli.

“No, we have not,” pahayag ni Georcelle sa interbyu sa kanya ng ABS-CBN News.


Dagdag pa nito, “You know, I’ve done a lot of collaborations with Sarah Geronimo, and those are treasured collaborations. I am very thankful, I am very blessed for all the collabs that we’ve done. So, I wish her all the best, and I hope that she wishes all the best also for my team.”


Dahil sa lumabas na pahayag ni Georcelle ay muli siyang inulan ng batikos mula sa mga fans at supporters ni Sarah.

Sey ng mga netizens:


“Gamit na gamit talaga ng Georcelle na ‘yan si Sarah G. 'noh (laughing emoji).”

“Wala na sigurong pera ‘to, kaya t*eng-t*e ma-reconnect kay Sarah.”


Pakiusap pa ng mga fans ni Sarah ay tigilan na ang pagtatanong kay Georcelle tungkol sa kanilang idolo.


“Tigilan mo si Sarah! Hindi ka n’ya kailangan.”


“No Sarah G, no clout dito sa babaeng ‘to. Girl, move on.”


“Georcelle was the one who cut off Sarah G, so ang kapal naman n’ya, 'kaloka!”


May akusasyon din kay Georcelle ang ibang fans ni Sarah.


“Kahit 'wag na, 'teh! D’yan ka na lang. Asikasuhin mo na lang ang mga nagrereklamo. SG (Sarah Geronimo) is SG kahit wala ka!”


“Masaklap ang ginawa ni Georcelle. Malapit na nga 20th anniversary concert ni SG, saka nagdesisyon na need ng royalty fee ang choreo ng mga kanta like Tala, etc., kaya forced na palitan ‘yung steps mismo. Even ‘yung G-Force, gusto n’ya, solo dancers ni SG, ayaw i-collab sa iba.”


“OMG! She’s greedy pala?”


Ganern?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page