top of page
TEKA NGA - KATHRYN, OBYUS NA WALA NANG GANANG UMARTE-FB Netflix.jpg

Ganern, John Lloyd at Derek? “MATAAS ANG STANDARDS KO SA LALAKI” — ELLEN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 19
  • 2 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | June 19, 2026



Ganern, John Lloyd at Derek? “MATAAS ANG STANDARDS KO SA LALAKI” — ELLEN

Photo: File / IG



Sa programang Kuan On One (KOO) ng komedyanang si Melai Cantiveros sa YouTube (YT), ibinahagi ng aktres na si Ellen Adarna ang kuwento sa likod ng Temple of Leah, ang kilalang tourist attraction sa Cebu na pagmamay-ari ng kanilang pamilya.


Ayon kay Ellen, hindi umano orihinal na itinayo ang Temple of Leah bilang tourist destination.


“Actually, hoarder ang lola ko. ‘Di talaga ito dapat maging tourist spot. Originally, ‘di talaga, kasi ang dami n’yang gamit sa bahay,” kuwento niya.


Dagdag pa niya, “Dahil maldita ang lola ko, sabi n’ya, ‘Kung ibebenta ninyo ang gamit ko, mumultuhin ko kayong lahat!’ Ang dami niyang drama na ganu’n.”


Dahil dito, naisip umano ng kanyang lolo na gamitin ang kanilang lupa sa Busay bilang imbakan ng mga gamit ng kanyang lola.


“So, naisip ng lolo ko, ‘Sige, ‘yung lupa sa Busay, gawan na lang natin ng storage. Storage talaga s’ya ng mga gamit n’ya. Ginawa lang ‘yung ganu’n ang design dahil trip din ng lolo ko at wala s’yang magawa,” ani Ellen.


Aniya, “Tapos, bigla na lang may mga taong pumupunta ru’n, nagde-date at nagpapakuha ng pictures. Kaya ginawa na lang s’yang negosyo.


“Kaya mataas ang standards ko sa lalaki kasi ‘yung lola ko, binigyan ng temple.”


Wow! Sey n’yo d’yan, John Lloyd Cruz at Derek Ramsay na mga tatay ng mga anak ni Ellen?


Anyway, sabi pa ni Ellen, tinawag itong Temple of Leah dahil doon inilagay ang mga gamit na naipon ng kanyang lola sa paglipas ng mga taon.


“Pinangalanan lang na Temple of Leah kasi gamit n’ya ‘yun lahat. Du’n inilagay lahat ng mga hinoard n’ya,” aniya.





MASAYANG ipinagdiwang ng TV host na si Ryan Bang ang kanyang ika-35 kaarawan sa noontime show na It’s Showtime (IS) noong June 16, mismong birthday niya.


Tatak-Pinoy ang naging tema ng selebrasyon bilang pagpapakita ng kanyang pagmamahal sa Pilipinas at kulturang Pilipino.


Ayon kay Ryan, “S’yempre, I love the Philippines. Gusto ko ang Philippine culture, OPM, mga prutas at pagkain. Araw-araw ko ‘tong naa-appreciate. Lahat ng bagay dito sa Pilipinas.”


Samantala, pinuri naman ni Vice Ganda ang pagmamahal ni Ryan sa bansa.

“Kung tutuusin, purong Koreano si Ryan, pero mahal na mahal n’ya ang Pilipinas,” ani Vice.


Nagkaroon din ng masayang biruan sa programa nang tanungin ni Vice si Ryan kung ano ang nagbago sa kanya ngayong 35 taong gulang na siya.

“Ano’ng nagbago sa ‘yo?” tanong ni Vice.

“‘Yung mukha,” pabirong sagot ni Ryan.


“Mas guwapo ang anak ko ngayon. Parang ang bangu-bango!” tugon naman ni Vice.

Bukod sa tawanan, naging emosyonal ang programa nang magbigay si Vice ng taos-pusong mensahe para sa kanyang anak-anakan.


“Masayang-masaya ako dahil meron akong isang batang nasagip sa pagkapariwara,” biro ni Vice, na ikinatawa ng lahat.


“Tama ‘yan, alam ni Lord,” sagot naman ni Ryan.


Pramis pa ni Vice, “Kailanman ay ‘di ka mag-iisa sa ‘Pinas. Bukod sa pamilya mo rito sa Showtime, ‘pag lumabas ka sa kalsada, kilala ka at mahal ka ng mga Pilipino.”

Emosyonal na tugon ni Ryan, “Thank you so much, Mommy. I love you so much. I love you, Madlang People, and my Showtime family. Thank you.”


Well, in fairness kay Ryan Bang, hindi siya mukhang 35 years old. Happy birthday!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page