top of page
BIDA - JANELLA KAY KLEA I LOVE YOU SO MUCH, MY BABY, MY LOVE, MY SWEET BABY BOO!-IG _kleap

Gandler kumampi na kay Belen sa Solar Spikers

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 15
  • 2 min read

by Gerard Arce @Sports News | May 15, 2026



Pormal ng ipinakilala ng Solar Spikers ang pagkuha sa mga heavy hitters na sina Gandler at Santos, gayundin ang beteranong playmaker na si Jaja Maraguinot kasunod ng isinagawang press conference.

Photo: Pormal ng ipinakilala ng Solar Spikers ang pagkuha sa mga heavy hitters na sina Gandler at Santos, gayundin ang beteranong playmaker na si Jaja Maraguinot kasunod ng isinagawang press conference.



Inaasahang hindi na mahihirapan pa sa pagbuhat ng iskoring si rookie star Mhicaela “Bella” Belen para sa Capital1 Solar Spikers matapos humablot ng dalawang bigating Most Valuable Players (MVP) sa katauhan nina Vanie Gandler at Erika Santos.


Pormal ng ipinakilala ng Solar Spikers ang pagkuha sa mga heavy hitters na sina Gandler at Santos, gayundin ang beteranong playmaker na si Jaja Maraguinot kasunod ng isinagawang press conference kahapon.


Nag-ugat ang pagtuntong nina Gandler at Santos sa Capital1 matapos na mabuwag ang dating koponan na Cignal Super Spikers noong nakaraang buwan upang mauwi sa agawan ang 9 na nalalabing koponan para sa mga prize-players ng Cignal.


Dahil sa karagdang puwersa ay makakatulong ng malaki pagdating sa opensa si Belen na mag-isang binubuhat ang koponan, kabilang ang katatapos lang na Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference, kung saan tumapos sila sa 4-5 kartada para sa ika-8 pwesto, ngunit nalaglag sa play-in laban sa Galeries Tower Highrisers.


Ginawarang MVP sa nagdaang AFC ang 25-anyos na dating Ateneo Blue Eagles na si Gandler na tumapos ng 4th sa scoring sa pagtatapos ng semifinals sa kabuuang 209 puntos mula sa 182 attacks, 17 kill blocks, at 10 aces, para dalhin sa finals ang Cignal matapos ang dalawang taon.


Parte rin ng arsenal ng Alas Pilipinas women’s national team member ang mapabilang sa spiking sa pang-siyam at pang-pito sa serving at receiving, upang kilalaning isa sa mga inaabangang manlalaro sa liga, kaakibat ang silver medal sa 2025 Asian Nations Cup sa Hanoi, Vietnam at 2 tansong medalya sa Southeast Asian V.League. Nakuha ng dating DLSU Lady Spikers na si Santos ang MVP trophy sa 2025 PVL On Tour para sa kanyang ‘breakout performance.’

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page