top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ganado ang Suns, tinusta ang Thunder, Booker petmalu

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 26, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | February 26, 2022





Panahon na para mag-seryoso ang 30 koponan sa NBA sa pagbabalik ng aksyon matapos ang matagumpay na All-Star Game. Mainit pa rin ang numero unong Phoenix Suns at sinunog ang Oklahoma City Thunder, 124-104, upang mapanatili ang liderato ng buong liga at masigurado ngayon pa lang ang pagpasok sa playoffs sa Abril sa pang-8 sunod at ika-49 na kabuuang panalo.


Gumawa ng 25 puntos at 12 assist si Devin Booker at sinundan nina Mikal Bridges at Cam Johnson na may tig-21 puntos. Malaking hamon sa Suns ang isang buwan na mawawala si Chris Paul matapos mabali ang hinlalaki bago ang All-Star Game.


Hindi kinailangan ni All-Star MVP Stephen Curry na pumuntos at sapat ang 18 puntos upang ipanalo ang Golden State Warriors sa Portland Trail Blazers, 132-95. Gumawa rin ng 18 puntos si Klay Thompson at nag-ambag ng 17 puntos si rookie Jonathan Kuminga.


Numero uno muli ang Chicago Bulls sa Eastern Conference at pinadapa ang Atlanta Hawks, 112-108, matapos ipasok nina All-Star DeMar DeRozan at Javonte Green ang huling 7 puntos ng laban at burahin ang 108-105 lamang ng bisita. Matalas si DeRozan sa 37 puntos habang 20 puntos ang isa pang All-Star Zach LaVine.


Patuloy ang pormang All-Star ni Jayson Tatum at bumida siya sa 129-106 tambak ng bisitang Boston Celtics sa Brooklyn Nets. Nagbagsak ng 30 puntos si Tatum at sinundan ni Jaylen Brown na may 18 puntos upang patibayin ang hawak sa pang-anim na puwesto sa East sa kartadang 35-26.


Sa gitna ng pagkabigo, nagkaroon ng pag-asa ang Nets na makakalaro na sa Barclays Center at Madison Square Garden si Kyrie Irving matapos magpahayag si Mayor Eric Adams ng New York na maaaring luwagan o tuluyang tatanggalin ang mga patakaran sa bakuna upang maibalik sa normal ang lungsod. Malugod na tinanggap ni Nets coach Steve Nash ang balita at iniwan niya sa alkalde kung kailan patutuparin ito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page