top of page
BIDA - UNVEILING NG WAX FIGURE NI KATHRYN, SA ‘PINAS GAGAWIN-FB Circulated.jpg

Gamot, isabay na rin sa bantay-presyo sa pagkain, iba pang bilihin

  • BULGAR
  • Nov 13, 2022
  • 1 min read

@Editorial | November 13, 2022


Sa gitna ng patuloy at tila hindi maawat na taas-presyo sa mga pagkain, napag-uusapan din ang gamot.


May sapat bang supply? Abot-kaya pa ba? Wala bang problema ang mga manufacturers at consumers?


Una nang nangako ang pamunuan ng Food and Drug Administration (FDA) na isusulong ang inobasyon sa ahensya bilang pagsuporta sa programa ng administrasyon. Ito ay ang maging accessible, maibaba ang presyo ng mga gamot sa bansa at magkaroon ng patas na kompetensya sa industriya ng pharmaceutical.


Ang hindi mamatay-matay na red tape, tapusin na.


Kailangang matiyak na palaging may sapat na supply ng gamot sa bansa. Matatandaang sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic, biglang nagkaubusan ng paracetamol. Huwag na sana itong mangyari ulit.


Kailangang maging handa at bantay-sarado ang mga posibleng mang-aabuso at maglalagay sa alanganin sa kalusugan ng mamamayan.


Kung may mga sablay sa sistema at bulok sa puwesto o sumisira rito, walang ibang panahon para baguhin ito kundi ngayon.


Marami na tayong kababayan ang takot magpa-ospital dahil sa gastos, huwag namang pati ang pagpunta sa botika ay katakutan na rin nila.


Magawan din sana ng paraan na makarating sa mga liblib na lugar ang mga gamot na kinakailangan at siyempre, gawing abot-kaya.


Kailangang maging malusog ang lahat ng mamamayan para maging maayos ang bayan at ang kinabukasan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page