Gamit na gamit daw siya ni Sam sa kampanya… “SANAY NA PO AKO” — RHIAN
- BULGAR

- Oct 2, 2024
- 3 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | Oct. 2, 2024

“Sanay na po ako. I just let them because at the end of the day naman po, what important is ‘yung kung may nagawa kang tama para sa mas nakararami,” sagot sa amin ni Rhian Ramos kamakailan.
Patungkol nga iyan sa mga nagtatanong sa aktres kung bakit pumapayag daw itong halos “gamitin” ni Congressman Sam Verzosa (SV) sa mga pahayag nito para sa plano nitong lumaban sa pagka-mayor ng Maynila.
May mga nang-iintriga pa na kung wala raw bang pinagkakaabalahan si Rhian sa showbiz or kung nagsasama na ba sila para umakto itong tila umano “asawa” na ni Sam o SV.
Hiwalay sa asawa si Sam at may mga anak na ito. Bilang isang matagumpay na negosyante na naging congressman via a partylist, plano nga nitong tumakbong mayor ng Maynila at banggain ang malalaking ‘names’ sa lungsod na may kani-kanya ngang track record.
“I am here to support. As his girlfriend, I can speak about his goodness, his good heart and his desire to serve the people more. Nagawa na n’ya ‘yan as a congressman and this time, he wants to payback sa mga constituents n’ya sa Manila. Kung ‘yung iba nga r’yan, natutulungan ko, bakit ‘di s’ya?,” dagdag pa ni Rhian.
Halos kasabay naming dumating sa Frontrow Office sa Quezon Ave. si Rhian Ramos last Sunday para suportahan nga uli ang naging announcement ni SV na magpa-auction ng sampung luxury cars para makalikom ng pera sa plano nitong pagpapatayo ng dialysis at specialty hospitals sa ilang areas ng Maynila.
O, hayan, ha, sa mga kukuwestiyon kay Luis Manzano upang hirangin at tawagin siya bilang King of Game Show sa Pinoy TV history, ililitanya namin ang mga hinawakan niyang programa as a HOST (naging TV and film star din siya, ‘noh!).
Sa tumatakbo ngayong Rainbow Rumble (RR), walang dudang tumatak na kay Luis at bukod-tanging kay Luis ang “Game Show Guru o King” title, na siya na niyang naging malaking ambag sa TV industry.
Simula sa Star Circle Quest (SCQ), may brief hosting stint sa Wowowee, Panahon Ko ‘To, Deal Or No Deal (DOND), Minute to Win It (MTWI) at Family Feud (FF) na pawang game shows, kung saan top-rater ang husay ni Luis.
At sino’ng makakalimot sa iba pa niyang mga TV shows as host gaya ng Qpids, Pinoy
Big Brother (PBB), E-Live, Pilipinas Got Talent (PGT), Laugh Out Loud (LOL), Sarah G: Live, ASAP, The Voice (TV), Celebrity Playtime (CP), Your Face Sounds Familiar (YFSF), It’s Showtime (IS), World of Dance Philippines (WODP), Your Moment (YM), I Can See Your Voice (ICSYV), hanggang sa It’s Your Lucky Day (IYLD).
Whewww, meron pa kaya kaming nakalimutan?
Wala lang, inilitanya lang namin dahil sa napabalitang pagbabalik-TV bilang replay ng DOND, may mga tumataas kasi ang kilay kung bakit hindi raw ‘yung kay Kris Aquino version ang ipalabas uli?
Malay ba namin d’yan. Hahahaha!
Basta sa bawat game show o ibang shows na host si Luis, mas masaya, positibo at nakaka-good vibes lang manood.
Sa taglay niyang humor, husay tumawid ng spiels sa parehong English at Tagalog language, pagiging relatable at pagkakaroon ng empathy sa mga kalahok at audience, paano mo nga bang kakabugin ang isang Luis Manzano?
Reynang-reyna sa pagrampa sa PFW…
MAYMAY, PANG-INTERNATIONAL MODEL NA

MAY mga fans ni Maymay Entrata na nagpadala sa amin ng mga photos and videos ng naging pagrampa niya sa katatapos lang na Paris Fashion Week (PFW).
Base nga sa mga ito, masasabi naming made na made na si Maymay bilang fashionista at rampadora sa mga kagayang international event.
Inirampa ni Maymay ang mga likhang damit nina Phan Huy at Leo Almodal. Halos hindi na namin ma-recognize si Maymay sa ibang kasuotan nito dahil reynang-reyna naman talaga ang peg nito sa ganda, sa tindig, sa pasarela, make-up, hair at kilos na very alta. Hahaha!
Nakaka-proud lang na mapanood ito at well-received nga si Maymay ng international audience.
May mga ibang Pinoy celebrities na nabalitaan din nating rumampa sa naturang event sa Paris kabilang na riyan sina Michelle Dee, Max Collins, Sarah Lahbati at R’ Bonney Gabriel.




Comments