top of page
Kim Chiu at Lauren Dyogi - KimPau Fanatics page.jpg

Gamit na gamit daw para sa mga fans nila ni Kim… PAULO, TODO-PALAG SA PAGPAPA-BAN SA DISCORD

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
3 min read

ni Vinia VIvar @Frankly | September 25, 2026



Paulo Avelino - IG

Photo: Paulo Avelino - IG



Inalamahan ni Paulo Avelino ang napapabalitang pagbabawal o pag-block sa social media ng messaging application na Discord sa Pilipinas.


Sa X (dating Twitter) post ng aktor, sinabi niya na mahalaga nga ang child safety, ngunit hindi solusyon ang pag-ban sa isang app. Aniya, ginagamit din ang Discord sa trabaho, eskuwelahan, at maliliit na negosyo.


Dagdag pa niya, lumilipat lang sa ibang platform ang mga may masamang balakin habang naaapektuhan ang mga lehitimong gumagamit.


“People use Discord for work meetings, school, and running small businesses. Block it and they all get hit, while bad actors just move to another app,” saad ni Paulo.


Dagdag pa niya, “Child safety matters. So fix the actual problem, not just the easiest target!”

Nauna nang nagbabala ang CICC (Cybercrime Investigation and Coordinating Center) sa Reddit at Discord na posibleng ipagbawal ang operasyon ng dalawang platform sakaling hindi sila makapag-establish ng local presence rito sa Pilipinas sa loob ng 24 oras.


Binigyan ng ahensiya ng palugit ang Reddit, subalit sa kasamaang-palad ay hindi nabigyan ng extension ang Discord.


Si Paulo ay active user ng Discord. He is highly engaged with his fans on the platform at mayroon siyang official Discord community kung saan ay direkta niyang nakaka-interact ang kanyang mga supporters.


Ginagamit din niya ang kanyang server dito para makapagbahagi ng mga personal photos, kabilang na ang mga rare throwback vacation photos nila ni Kim Chiu.

Kamakailan lang ay binati pa nila ni Kim ng 2nd anniversary ang fan community nila sa Discord.





AKMANG-AKMA sa buhay ng beauty queen na si Joyce Peñas Pilarsky ang bago niyang single na Walang Imposible dahil nagawa niya naman talaga ang halos akala ng lahat ay imposible. 


Sa edad kasi na 69 ay naging kandidata pa siya sa 2024 Miss Universe Philippines–Quezon City.


“When I was young, mahilig akong manood ng mga beauty contests sa TV. Sabi ko, pangarap ko talagang maging beauty queen. I never thought that at age 69, I would be a candidate for Miss Universe-Philippines,” pahayag ni Joyce sa launching ng kanyang inspirational song na Walang Imposible.


“When I joined the pageant 2 years ago, ako ‘yung the first Filipina to be the official candidate for Miss Universe Quezon City (at the age of 69),” aniya.


“So, ‘yun ‘yun, eh. Kaya walang imposible,” dagdag pa niya. 

Aniya pa, “Who would have known that one day, they would change the rules?”

Para kay Joyce, hindi hadlang ang edad para makamit ang ating mga pangarap, kaya naman sa pamamagitan ng kanyang kanta ay ine-encourage niya ang lahat na abutin ang mga ito.


Sa edad na 71 naman ay kinoronahan siya bilang Mrs. Elite Elegante World International 2026 sa Kuala Lumpur, Malaysia.


Bukod dito, nakuha rin niya ang mga awards na Best in National Costume, Best in Talent (kung saan kinanta niya ang Smile ni Natalie Cole), Mrs. Popularity, at Best in Evening Gown.


At ngayon, sa edad na 72 ay natupad naman ang isa niyang pangarap na makapaglabas ng sariling single.


Naniniwala si Joyce sa kasabihang “We have only one chance to live,” kaya naman habang nabubuhay siya ay hindi rin siya tumitigil na gawin ang mga bagay na gusto niya.


“Every day, every morning, I pray and thank God that I’m alive. That means, I have a chance again for a new day, for a new beginning. So, para sa ‘kin, whatever I can do today, I will do it. Life is too short,” aniya.


Sa totoo lang, ang ganda ng mensahe ng song na komposisyon ni Vehnee Saturno. Ang lakas ding maka-LSS (last song syndrome) nito kaya naman bago matapos ang event ay hina-hum na ng mga naroon (kasama ako) ang awitin.

Available na ang Walang Imposible sa lahat ng music platforms.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page