Game sa mas bata… VINA, NAGSALITA NA SA RELASYON NILA NI JAKE
- BULGAR

- Aug 31, 2025
- 3 min read
Updated: Sep 1, 2025
ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 31, 2025

Photo: Vina Morales - FB
Hindi halatang 4 na dekada na sa showbiz industry ang tinaguriang Ultimate Performer na si Vina Morales dahil wala sa hitsura niya ang kanyang edad na 49.
Nakaharap at nainterbyu namin si Vina recently sa Spotlight mediacon ng Star Magic na kanyang talent management.
Proud na proud si Vina na tumagal siya ng 40 yrs. sa industriya na never siyang napahinga talaga nang matagal at nawalan ng mga projects.
In fact, sa edad niya ngayon at kahit pa nagkaanak na siya, isa pa rin si Vina sa mga in demand actresses natin.
Imagine, nagkaroon siya ng kanyang Broadway debut sa disco musical na Here Lies Love na tungkol sa life story ni former First Lady Imelda Marcos kung saan gumanap siya bilang si Aurora Aquino, ina ni the late Sen. Ninoy Aquino.
At ngayon, regular naman siyang napapanood sa GMA Afternoon Prime seryeng Cruz vs. Cruz na pinagbibidahan nila nina Gladys Reyes at Neil Ryan Sese.
Para kay Vina, hindi sapat na talent lang ang puhunan para tumagal ng 40 yrs. sa showbiz. Mas malaking factor pa rin daw ang attitude, ang magandang pakikisama sa lahat mula sa pinakamaliliit na manggagawa hanggang sa mga bossing at ‘yung tahimik ang buhay niya at wala siyang nakakaaway.
Aminado si Vina na marami rin siyang pinagdaanan sa showbiz at dumaan din sa panahong laging naiintriga ang kanyang love life. Minsan ay nakakaramdam din daw siya ng pagod, especially nu'ng peak ng kanyang career sa Viva Films.
But thankful siya sa kanyang support system, ang family at mga bosses niya na naging karamay niya sa mga ups and down sa personal and career life niya, kaya hindi naman daw siya umabot sa point na gusto na niyang iwan ang showbiz.
Sa ngayon, aminado si Vina na wala man siyang love life ay okay naman siya. Pero siyempre, ipinagpe-pray pa rin niya na may dumating at ‘yung talagang ibibigay na raw ni Lord na karapat-dapat ang mapangasawa niya, hindi ‘yung kung sino ang gusto niya para hindi na siya magkamali sa pagpili.
Wala raw siyang taga-showbiz na suitor ngayon, pero may mga pulitikong nagte-text na ine-entertain naman niya. Mas maingat na lang daw siya siyempre sa pagpili para ‘yung susunod ay ‘yun na talaga si Mr. Right.
Samantala, minsan din palang na-link si Vina sa ex ni Andi Eigenmann na si Jake Ejercito kaya ipinalinaw na rin namin sa kanya kung ano talaga ang real score sa kanila ng anak ni former Pres. Joseph Estrada.
Diretsong sagot ni Vina na in fairness, mukhang sincere naman, “Hindi (nanligaw). Good friend ko ‘yun.”
Pero kung sakaling may younger guy na manligaw sa kanya, open siyang magka-BF ng mas bata?
“I cannot control them, ‘di ba? I cannot stop them naman, ‘di ba?” ani Vina kasunod ang malakas na tawa nang sabihin namin sa kanya na “Why not? You don't look 40 something.”
“Well, let's see,” pagtatapos ni Vina.
BUKOD kay Vina Morales, iniharap din sa media sa Spotlight presscon ang grupong WRIVE na binubuo nina Asi Gatdula, Ishiro Incapas, Russu Laurente, Drew Amahan at Matthew Cruz.
Tulad ng SB19 at BGYO, P-Pop boy group din ang WRIVE na nabuo mula sa Dream Maker show ng ABS-CBN.
Honestly speaking, hindi super heartthrob looking ang 5 members ng WRIVE pero ‘pag nagsimula na silang kumanta at sumayaw, du'n na lumalabas ang malakas na appeal nila dahil very talented sila at hindi puwedeng hindi mo lingunin ang performance nila.
Si Asi ang pinakalider ng grupo na ang ganda ng boses kahit acapella, although ‘di rin naman pahuhuli ang apat na magagaling ding kumanta at sumayaw.
Ang dream daw nilang maka-collab ay ang idol nilang SB19 at si Sarah Geronimo.
Opisyal na nag-debut ang grupo nu'ng 2025 sa kanilang digital single album na binubuo ng Ooh La La at Señorita.
Kamakailan lang, mas pinasaya pa ng WRIVE ang fans sa paglalabas ng Ooh La La performance video sa official YouTube channel ng ABS-CBN Star Music.
Proud ang WRIVE sa kanilang sariling tunog at style na very Pinoy, hip hop, swag and sexy.







Comments