top of page

Game of the Generals?

  • BULGAR
  • Nov 21, 2022
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | November 21, 2022


HINDI nakaligtas sa mga “marites” maging ang loob at labas ng kampo ng military.


Ere kasing social media ay nagpa-level-up ng tsismisan!


◘◘◘


ISIPING mong imina-marites mismo ang ulat na ibabalik sa aktibong serbisyo ang naka-floating na si dating dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff (CSAFP) Gen. Andres Centino.


Aba’y nagtataas ng kilay ang isang mataas na opisyal.


◘◘◘


ERE ang 'wento: Binabaklas ngayon si Centino na naging CSAFP noong Nobyembre 12, 2021 sa ilalim ni ex-PRRD.


Pero, noong Agosto 8, 2022—bigla siyang pinalitan ni General-Vicente Bartolome Bacarro.


◘◘◘


HINDI umano kinakatigan ng Board of Generals ang designation ni Bacarro dahil ang kanyang compulsory retirement date ay September 8, 2022.


Pero dahil sa Republic Act No. 11709, ang bagong batas na nagtatakda ng fixed term para sa mga senior officials na itinatalaga sa key position ay nakalusot nang maayos ang appointment nang walang hussle.


◘◘◘


DAHIL din sa bagong batas, may tatlong taong termino si Bacarro bilang CSAFP.

Nilagdaan ni Duterte ang RA 11709 noong Abril 2022 at naging epektibo ito noong Hulyo 1.


Kaya si Bacarro ang kauna-unahang AFP chief na nabigyan ng tatlong taong termino kahit naging 56-anyos na siya noong September.


◘◘◘


ERE ang isyu: ang 4-star rank na dapat ibibigay sa isang CSAFP ay hindi puwedeng ibigay kay Bacarro dahil hawak pa ito ni Centino na ang compulsory retirement date ay sa February 4, 2023 pa.


Habang aktibo sa serbisyo si Gen. Centino, hindi makukuha ni Gen. Bacarro ang apat na estrelya.


◘◘◘


IMINA-'MARITES' na nominado si Centino bilang ambassador to India pero sa ngayon ay nasa floating status pa siya sa militar.

May bulung-bulungan na bibigyan ito ng ibang puwesto.


D'yan na nag-iinit ang puwet ng mga intrigero.


◘◘◘


AYON sa isang barbero, imbyerna ang isang mataas na opisyal kay Gen. Centino.


Ang termino naman dito ng mga parlorista ay “kinakanal” si Centino.


◘◘◘


SA pagsagip kay Centino mula sa floating status, sino kaya ang nagsisintir?

Noong Agosto, sinabi ng Malacañang na itatalaga si Gen. Centino sa bagong posisyon na “befitting a former chief of staff.”

“Befitting a former chief of staff” ba ang pagiging ambasador?


He-he-he!


◘◘◘


ANO ba ang angkop na puweto sa isang dating CSAFP?

Defense chief puwede pero paano naman ang retiradong heneral at dating CSAFP na si Undersecretary Jose Faustino, Jr.?


Maselan, hindi ba?


◘◘◘


PUWEDE rin namang italaga ulit bilang CSAFP si Centino pero paano naman si Gen. Bacarro?

Medyo masalimuot.

Maghihintay tayo ng “bago” sa mga barbero at parlorista.

Iisa ang malinaw, dapat lang na bigyan ng bagong responsibilidad si Centino, sayang naman ang kanyang karanasan.


He-he-he!


◘◘◘


MALAPIT nang matupad ang plataporma-de-gobyerno ni P-BBM na P20 ang magiging presyo ng bigas.

'Yan mismo ang ating rekomendasyon na ibenta ang P20 kada kilo ng bigas sa mga Kadiwa store.


Nagawa na ito noong panahon ni Pangulong Marcos, Sr.—mababang presyo ng bigas at iba pang produkto sa Kadiwa.


◘◘◘


KUNG nakapagbibigay ng cash assistance, bakit naman hindi pwedeng i-subsidized ang presyo ng bigas sa Kadiwa?


Hindi ipamimigay nang libre ang bigas, bagkus ay magbabayad ang mga konsyumer.


◘◘◘


DAPAT maglagay ng Kadiwa sa mga public market at talipapa.


D'yan na magiging bukambibig muli ang “Marcos, Marcos, Marcos!”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page