top of page
Search
  • BULGAR

Game nang makipagbati sa BFF… DEREK, TINAWAGAN NA SI JOHN

ni Melba R. Llanera - @Insider | August 22, 2021




Kung sa huling interview ni Derek Ramsay ay tinuldukan na nito ang pagkakaibigan nila ni John Estrada, ngayon ay 'di na nagsasarado ng pinto ang Kapuso hunk actor na maaaring magkabati sila pagdating ng tamang panahon.


Ayon nga kay Derek, paghihilumin ng panahon ang lahat at bigyan lang sila ng oras ni John, siniguro niyang darating ang araw na magiging magkaibigan uli silang dalawa, maglalaro uli ng golf at pagtatawanan na lang kung anuman ang naging tampuhan nila.


Kuwento sa amin ng aktor, tinawagan niya si John nu'ng nakaraang Linggo sa harap ng mga magulang niya at nag-usap silang dalawa.


Kinlaro naman nito ang mga atakeng lumabas laban kay Ellen Adarna at sinasaluduhan niya ang mataas na respeto na ibinibigay pa rin ni John sa kanyang mga magulang, kung saan Mom at Dad din ang tawag ni John sa kanyang parents.


Sa pahayag naman ng aktor na kaibigan pa rin ang turing niya kay Derek, para naman sa huli ay kaibigan din ang turing niya kay John at inirerespeto niya ito.

Sa tanong naman namin kung bakit napakadali niyang napatawad si Long Mejia nang humingi ng tawad sa kanila ni Ellen, paliwanag ni Derek, hindi kasi ganu'n kadaling humingi ng tawad lalo't naka-video ito at isinapubliko ng komedyante.


Para rin sa Kapuso actor, nakita niya ang sinseridad ni Long sa paghingi ng tawad at walang rason para 'di niya ito tanggapin.


Nang magkausap sila ni Long ay sinabi niya rito na wala nang isyu sa pagitan nila, pero sana, sa susunod ay iwasan na nitong magbitaw ng mga salita sa mga bagay na wala itong alam.

Maganda at magaan ang aura na nakita namin kay Derek at kita namin na natagpuan na talaga ng aktor ang kaligayahan at kakuntentuhan sa piling ng fiancee, ni Elias at sa pamilya niya at mga totoong kaibigan na para kay Derek ay mas mahalaga kesa sa mga materyal na bagay o pera.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page