top of page

Game na uli sa bago… BELA, IBINULGAR ANG DAHILAN NG HIWALAYAN NILA NG DYOWANG FOREIGNER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 9
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | August 9, 2025



Image: Bela Padilla - IG



Sa September pa ang showing ng 100 Awit Para Kay Stella (100APKS) na muling pagbibidahan nina Bela Padilla at JC Santos, pero may kasunod agad na film assignment sa Viva Films si Bela.


Ipinost ni Bela sa Instagram (IG) Story ang script ng A Special Memory (ASM), ang Philippine remake ng Korean movie na A Moment to Remember (AMTR). Kung pamilyar sa inyo ang title ng movie, ito ay dahil naibalita noon na gagawin ito nina Bea Alonzo at Alden Richards. Hindi nga lang natuloy ang dapat sana ay pelikula ng dalawa, pero nag-decide ang Viva na gawin pa rin ang project with a new cast.


Si Bela ang pumalit kay Bea at si Carlo Aquino naman ang pumalit kay Alden at sa feedback ng mga netizens, excited sila sa balik-tambalan ng dalawa.


Unang nagkatambal sina Bela at Carlo sa movie na Meet Me In St. Gallen.

Nag-post din ng behind-the-scene photo si Bela na kuha sa shooting ng movie na ibig sabihin, nagsimula na silang mag-shooting ni Carlo na mula sa direction ni Jerry Sineneng.


Comment ng mga netizens, tama lang na maraming projects si Bela para hindi siya malungkot sa breakup nila ni Norman Ben Bay. 


Sa mediacon ng 100APKS, kinumpirma ng aktres na hiwalay na sila ni Norman at isa sa mga dahilan ay ang long-distance relationship nila na mahirap daw sa kanilang dalawa.

Matagal na sigurong break sina Bela at Norman at parang naka-move on na si Bela dahil glowing ito sa mediacon. Binati pa nga namin ito na duma-Dakota Johnson siya dahil naging kamukha niya ang Hollywood actress. Ang sagot nito, baka dahil sa bangs niya.


Binanggit din ni Bela na open siya for a new love kung may darating sa buhay niya.

“Siguro after I finish the promos first. Why not, I love falling in love. I don’t think there is anything wrong with putting yourself out there,” sabi nito.


May kasunod itong hirit na, “Kaso ‘di na ako marunong mag-date for 2025.” 

Sagot ng press, masasanay din siya kapag may dumating na sa buhay niya.


Anyway, malapit naman na ang showing ng movie nila ni JC Santos, nagsimula na rin silang mag-promote. After this, puwede na siyang makipag-date uli habang ginagawa nila ni Carlo ang kanilang pelikula.


Kaya natagalan bago naglabas ng bago…

ICE, TAKOT NA ‘DI MAGKLIK ANG KANTA


KAHAPON ang release on all music streaming platforms ng new album ni Ice Seguerra na Being Ice


Special project ito sa singer-composer dahil ang eight-track album ay dedicated sa kanyang loved ones, lalo na sa pumanaw niyang mga magulang.


May letter din si Ice sa kanyang mga fans kasabay ng release ng kanyang album. 

Aniya, “This is it. Being Ice, my first all-original album, is finally out in the world.

These are my words. My stories. My truths. I hope they find a place in your heart too. Thank you for waiting. Thank you for listening. Love, Ice.”


Naikuwento ni Ice sa mediacon for his album and Being Ice, Live! concert na kaya siya natagalang magsulat ng sariling kanta ay dahil sa takot. 


“I don’t want to take risk. Baka hindi magustuhan ng tao at maapektuhan ang trabaho ko. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob to write my own songs at ready na ako sa magiging feedback.


“Kung magustuhan, maraming salamat. Kung hindi magustuhan, sulat na lang ulit,” wika ni Ice.


Kinanta ni Ice ang ilang songs ng kanyang new album sa mediacon at magaganda sila, siguradong magugustuhan. Baka nga ma-motivate siya to write more songs after this new album.


Ang songs sa new album ni Ice ay tampok sa second night ng two-night concert niya sa Newport Performing Arts Theater on Sept. 13. Ang first night, Sept. 12, ay Videoke Hits at birthday celebration din niya. Puwedeng makikanta sa first night, kaya watch na.


Para sa mga bibili, may offer na Gold ticket bundle ang Fire & Ice, so dalawang gabi ng Being Ice, Live! ang mapapanood.



PINUSUAN ni Marian Rivera ang post ni Alexa Ilacad na nagpahayag ng tuwa na nakita, nakausap at nakasama sa photo ang favorite niyang Kapuso actress. 


Sabi pa ni Alexa, favorite moments niya sa GMA Gala 2025 ang makita si Marian.

Aniya, “The highlight of my night was seeing my idol, Ate Marian. Soooo kilig!!!! Thank you so much @gmanetwork for inviting me and the whole PBB family.”


Sagot ni Alexa na pinusuan ni Marian ang post niya ay “I love you, Ate Yan.”

Naging dahilan ‘yun para may mga mag-comment na sana magkasama sila sa isang project at siguradong matutuwa si Alexa dahil matagal na nitong pangarap na makasama si Marian. 


Well, itinag ng mga fans ni Alexa Ilacad si Marian Rivera at baka nga matuloy, lalo na’t open na sa collab ang GMA at ABS-CBN.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page