top of page
Search
  • BULGAR

Game na game makipagbardagulan… SANDARA, UMAMING FAVE LAHAT NG SEXUAL POSITION

ni Ambet Nabus @Let's See | April 29, 2024



TAWA kami nang tawa sa isang post ni Sandara Park (remember her?) tungkol sa mga sexual positions na naka-drawing sa suot niyang big-sized shirt. 


Aliw na aliw ang mga netizen sa pakikipagbardagulan ni Sandy sa mga nagtanong kung ano at alin ang kanyang favorite position.


“All of the above,” ang sagot ng Korean singer-actress na minsan nga ring naging big star sa Pilipinas ilang taon na ang nakalipas.


Wala naman sigurong masama kung may bahid ng katotohanan ang naging sagot niya, hahaha!


Mid-30's na si Sandara na nakilala nating kikay, palabiro at kuwela kaya nga tinawag siyang Pambansang Krung-Krung dito noon.


Basta kami, tuwang-tuwa at kilig na kilig kami noong mga panahong nakakasama namin sa mga out-of-town shows si Sandara kasama ang nali-link sa kanyang showbiz guy noon bago pa man siya naging big star sa Korea.


Paboritong puwesto nila ng naturang BF ang umupo sa pinaka-likod ng sasakyan naming ‘van’ habang nagkakatuksuhan kaming kasama nila sa loob na ‘nilalanggam na sila,’ hahahaha!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page