top of page
SPECIAL - SAM, UMAMING NAWALA ANG TIWALA AT RESPETO SA KANILA NI RHIAN KAYA NAGHIWALAY-FB

Game magpabuya hanggang P45K… MYRTLE: WALANG ISKANDALO SA NAWAWALA KONG PHONE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | June 22, 2026



Myrtle Sarrosa - FB

Photo: FB Myrtle Sarrosa



Ibinahago ng aktres na si Myrtle Sarrosa sa social media ang pinakabagong update hinggil sa kanyang nawawalang cellphone.


Hindi pa rin umano naibabalik kay Myrtle ang naturang cellphone matapos itong mawala sa ginanap na ToyCon event.


Ayon sa aktres, may taong nakakuha ng kanyang cellphone at humihingi umano ng P40 thousand kapalit ng pagbabalik nito.


Sa kanyang pahayag, ikinuwento ni Myrtle ang naging komunikasyon nila sa taong may hawak umano ng cellphone.


“After ng habulan, as in same day talaga, ‘di namin s’ya tinigilang habulin. Nag-reply s’ya using my SIM, saying na ibinenta lang daw sa kanya ‘yung locked phone for P40 thousand. He even sent a GCash number and wanted me to send the money first,” saad ni Myrtle.

Gayunman, hindi na ibinahagi ng aktres ang naturang GCash number para sa legal na kadahilanan.


Dagdag pa ni Myrtle, “Pero medyo duda talaga ako kasi impossible naman na may matinong tao na bibili ng locked phone for P40K within minutes na hinahabol namin s’ya. ‘Yung kasama ko du’n na official suggested na i-offer namin ‘yung P45K para pumayag na lang s’ya dahil nandu’n lang talaga s’ya sa Ever. I waited for their next message, hoping we could come to an agreement.


“Pero instead, maya-maya, I started getting alert messages na may nag-trigger ng reset at login sa online wallets ko, Instagram (IG) at recovery emails ko. Kaya pala he was insisting na ‘bukas’.


“Thankfully, I was able to foresee most of what was happening. Before anything serious could happen, na-secure ko agad lahat ng accounts ko, napa-suspend ko ‘yung SIM ko, at napa-freeze ko ‘yung wallets at bangko ko.


“As of today, the phone has moved from Ever Gotesco to Greenhills. We sought help in Greenhills, but with so many phones being sold there every day, wala rin silang nagawa.

“At this point, I also want to address some misinformation I’ve been seeing online. Uulitin ko po sa mga taong nagkakalat ng misinformation: let’s all be respectful here.


“I do not have anything indecent on that phone. I never have, and I never would compromise my faith, values, and principles. The only reason I offered a reward was because of all the hassle that comes with losing a phone.


“What I’m worried about are my work files, cosplay footage, gameplay recordings, business contacts, game accounts, important conversations, and years of memories, including some of my last photos and videos with my Lola before she passed away last month.


“Sobrang sakit talaga na mawalan ng gamit. Pero mas masakit na may mga taong parang babastusin ka pa habang pinagdaraanan mo ‘yung sitwasyon.”


Matatandaang handa pang magbigay ang aktres ng P30 thousand cash reward maibalik lamang ang kanyang cellphone.


At sana naman, huwag nang dagdagan ng mga netizens ng paninira laban kay Myrtle Sarrosa. Magbigay tayo ng respeto at iwasan ang pagpapakalat ng mga negatibong komento na walang sapat na batayan.





CAPRICE, TUWANG-TUWA NA SIYA ANG BAGONG HEART



Caprice Cayetano - Instagram


SUPER-CUTE ang reaksiyon ni Caprice Cayetano nang matanong siya ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) tungkol sa mga nagsasabing siya ang susunod na Heart Evangelista.


“Ano ang reaksiyon mo sa mga nagsasabing ikaw ang next Heart Evangelista?” tanong ng King of Talk.


“Ako po, nagugulat po ako tuwing naririnig ko ‘yan. S’yempre po, grabe si Miss Heart,” sagot ni Caprice.


Sinundan ito ni Boy ng tanong na, “Nag-meet na kayo? How was that meeting?”

“Opo, nagkita na kami. Nakakatuwa po kasi nagpa-fangirling po talaga ako every time na nagkikita kami. Kahit ilang beses na po kaming nagkita ni Miss Heart, nagpa-fangirling pa rin po ako. May mga advice rin po siyang ibinibigay pagdating sa fashion,” ani Caprice.


Tinanong naman siya ni Boy, “What does she tell you ‘pag nagkikita kayo?”


Sagot ni Caprice, “To always enjoy my childhood lang po at lagi lang po mag-explore. ‘Yung pagiging kikay po, sinusuportahan din po n’ya.”


In fairness, super-cute ni Caprice Cayetano, kahawig ng elegance at charm ng idol niyang si Heart Evangelista.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page