top of page

Game magpa-table sa mga Hapon pero… JODI, TAKOT NA TAKOT NANG PINAGSAYAW SA JAPAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7 hours ago
  • 5 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 18, 2026



Jodi Sta. Maria - Instagram

Photo: Jodi Sta. Maria - Instagram



Tulad ng kanyang role sa pelikulang Midnight Girls na isang entertainer sa Japan kasama ang mga karakter nina Sanya Lopez, Jane Oineza at Loisa Andalio, aminado si Jodi Santamaria na palaban siya sa mga hamon ng buhay at wala siyang inaatrasan basta para sa kanyang pamilya.


Bilang breadwinner, handang gawin lahat ni Jodi at ng kanyang karakter na si Vicky sa MG ang magsakripisyo para mabuhay ang kanyang anak at ina.


Kaya malaki talaga ang naging impact ng movie na idinirek ni Irene Emma Villamor kay Jodi dahil naka-relate raw talaga siya sa mga sakripisyong ginawa rito ng karakter ni Vicky.


Ang Midnight Girls ay isang sisterhood movie na hango sa tunay na buhay ng mga entertainers sa Japan. Ipinakikita rito ang sakripisyo ng ating mga kababayang nagtatrabaho roon bilang mga Japayuki.





Ipinakita rin sa movie ang pagkakaibigan ng mga karakter nina Jodi, Sanya, Jane at Loisa na sa kabila ng mga hirap at sakripisyo nila para sa kanilang mga pangarap, sila-sila ang nagdadamayan doon bilang pamilya.


Sa grand mediacon at special screening ng Midnight Girls last Wednesday sa Gateway Cinema, inamin ni Jodi nang matanong siya kung saang bahagi siya nahirapan sa movie na ‘yung ‘dance-dance’ raw nila kung saan kinailangan nilang mag-perform sa harapan ng mga Japanese customers sa bar at ‘yung confrontation nilang apat na bida.


Pero bukod du’n, game na game naman si Jodi sa iba pang eksena kahit pa nga ‘yung nai-table sila ng mga kostumer sa bar kung saan kinailangan nilang makipag-usap sa Nihongo (Japanese language). 





Thankful naman siya na hindi raw sila pinabayaan ng mga nagtatrabaho ru’n sa omise (bar) at inalalayan sila kung paanong mag-entertain ng mga kostumer na nagte-table sa kanila, dahil hindi pala alam ng mga ito na artista sila, akala ay mga totoong Japayuki silang apat.


May aral at suntok sa dibdib ang istorya ng Midnight Girls na showing na sa May 13 in cinemas nationwide.


Present sa ginanap na screening at mediacon sina Jodi, Sanya at Jane at si Loisa lang ang wala sa apat na bida.


Kasama rin sa movie na sa Japan nag-shooting si Ms. Carmi Martin. 





Ibinuking ni Direk Albert… KIKO, HAM ACTOR NOON, MADALI NANG UMIYAK NGAYON



NAGING emosyonal si Kiko Estrada sa ginanap na finale mediacon kahapon ng Totoy Bato series sa TV5 nang puri-purihin siya ni Direk Albert Langitan kung paano siya nag-improve bilang aktor.


Nang una raw kasi silang magkasama sa Lumuhod Ka sa Lupa, ang unang action series na pinagbidahan din ni Kiko sa Kapatid Network, aminado si Direk Albert na ‘ham actor’ pa si Kiko that time. Kumbaga, hilaw pa ang acting nito at hindi pa ganu’n ka-confident, kaya inulit nga raw nila ang eksenang umiyak si Kiko dahil hindi na-satisfied si Direk Albert sa ipinakita ng aktor sa drama scene.


Pero ngayon sa Totoy Bato, na-train na raw nang husto si Kiko sa magagaling na aktor na kasama tulad nina Eula Valdez, Nonie Buencamino at Art Acuña kaya isang pitik na lang, kayang-kaya nang magpatulo ng luha ni Kiko.


At mukhang nag-flashback kay Kiko ang mga pinagdaanan niya sa showbiz habang ikinukuwento ito ni Direk Albert kaya naging teary-eyed ang aktor at niyakap pa ang kanyang direktor sa Totoy Bato.


Mukha namang seryoso si Kiko sa kanyang craft dahil aminado siyang marami pa siyang kakaining bigas bago mapantayan ang galing sa acting ng kanyang Lolo Paquito Diaz, Tito Joko Diaz at amang si Gary Estrada bago siya matawag na ‘totoong aktor.’ At ang maganda sa kanya, dinidibdib talaga niya ang kanyang ginagawa at ibinubuhos niya ang lahat ng kanyang makakaya para mapaganda ang proyekto.


After Lumuhod Ka sa Lupa at Totoy Bato, wala pang inia-announce ang TV5 na next action series niya, pero kung siya raw ang tatanungin, gusto niyang Joaquin Bordado naman na ginampanan nina Ramon Revilla, Sr. (movie version) at Robin Padilla (TV version) ang kanyang i-remake.


Idol daw niya si Sen. Robin Padilla mula nu’ng bata pa siya at napanood niya ang Joaquin Bordado sa GMA-7 noon kaya na-challenge siyang gampanan din ito.

When asked kung sino ang dream leading lady niya, mukhang nabitin siya sa pagsasama nila ni Ms. Eula Valdes sa Totoy Bato kaya ito raw ang gusto niyang makatrabaho uli.


Well, baka hindi for Joaquin Bordado, sa remake ng Pieta, puwede pa.


Anyway, finale week na mula sa Lunes ng primetime action series na Carlo J. Caparas’ Totoy Bato matapos ang halos isang taong pamamayagpag nito sa Toda-Max Primetime Singko ng TV5. Sa huling linggo nito, matutunghayan ang pinakamainit na labanan hanggang sa pagtatapos ng serye sa Abril 24.  


Habang tumitindi ang tensiyon, iisa ang tanong ng manonood – sino ang mananaig sa huling salpukan nina Totoy (Kiko) at Dwayne (Diego Loyzaga).


Kasama nina Kiko at Diego sa powerhouse cast ng Totoy Bato sina Eula Valdes bilang Ruby Perez, Claudine Barretto bilang Diamond Labrador, Cindy Miranda bilang Amber Castillo, Mon Confiado bilang Don Silvio Castillo, Mark Anthony Fernandez bilang Stanley Rocco, Gold Aceron bilang Onyx, Billy Villeta bilang Dustin, Andrew Muhlach bilang Jett, Christine Bermas bilang Amethyst at Sapphire, at si Angelica Hart bilang Pierra.


Napapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8 PM pagkatapos ng Frontline Pilipinas with simulcast sa ONE PH, abangan ang pinatinding pagtatapos ng Totoy Bato


Napapanood na rin ang serye sa Cignal Play app na libreng mada-download sa Play Store at App Store. 





Mga nagbi-video, pinatigil din ng mister… 

MATET, NAGDABOG SA MGA NORANIANS SA 1ST DEATH ANNIV NI NORA



NAKARATING sa amin ang sentimyento ng ilang Noranians na naimbiyerna kay Matet de Leon nang magpunta ang aktres sa Libingan ng mga Bayani nu’ng Huwebes (Abril 16) para sa pag-alala sa first death anniversary ng inang si Superstar at National Artist Nora Aunor.


Chika ng ilang Noranians na nandu’n mismo sa Libingan ng mga Bayani, dinig na dinig nila nang padabog na nagsalita si Matet ng “Ano na namang drama ‘yan? Tigilan na nga ‘yan!” nang makita nito ang tila pagpi-picnic at pag-iipun-ipon ng mga Noranians bilang pag-alala sa unang taon ng pagkamatay ni Ate Guy.


Bukod du’n, sinita rin daw at pinagsabihan ng mister ni Matet na si Mickey Estrada ang ilang Noranians na nagbi-video sa mga nagaganap sa paligid na itigil ang kanilang ginagawa dahil hindi raw makapagluksa nang maayos ang pamilya nila.


Hindi nagustuhan ng ilang Noranians ang ikinilos at binitiwang salita ng mag-asawang Matet at Mickey kaya masama ang loob nila sa mga ito. Ni hindi na nga raw nag-“hello” man lang sa kanila si Matet bilang pag-appreciate man lang sa kanilang pagdalaw sa puntod ni Ate Guy, ganu’n pa ang ginawa sa kanila.


Bukas ang aming pahina para sa paglilinaw ni Matet at ng kanyang mister kung gusto nilang magbigay ng kanilang panig.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page