top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Gambling lords, smugglers, illegal loggers at abusadong mining company, dapat banggain ni P-BBM

BULGAR
Jun 11, 2022
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 11, 2022


RAKET NG MGA GAMBLING LORDS, NAGSUSULPUTAN NA–Bago bumaba si P-Duterte sa Malacañang ngayong June 30, 2022, unti-unti nang nagsusulputan ang iba’t ibang uri ng ilegal na sugal sa iba’t ibang panig ng bansa.


Sana, sa pag-upo ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Malacañang ay kabilang sa ipag-uutos nito sa kapulisan ay ipatigil ang lahat ng uri ng illegal gambling operations para matigil na ang panraraket ng mga ilegalista sa ating mga kababayan, period!


◘◘◘


SOCIAL MEDIA GINAGAMIT NG MGA GAMBLING LORDS PARA RAKETIN ANG MAMAMAYAN–Matapos matigil ang operasyon ng online sabong, ang pumalit naman dito ay ang online sakla, online bingo at online tong-its na nakapambibiktima rin sa ating mga kababayan na nahuhumaling sa mga ganitong uri ng sugal sa social media.


Isa ‘yan sa mga patunay na ang social media ay ginagamit na rin sa kasamaan ng mga gambling lords para magkamal ng limpak-limpak na salapi, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


SANA MATIGIL NA ANG OPERASYON NG MGA SMUGGLERS SA BUREAU OF CUSTOMS–Sa mga nagdaang pangulo ng bansa, at maging sa panahon ni P-Duterte ay hindi natigil ang operasyon ng mga smuggler sa Bureau of Customs.


Alam naman nila na isa sa mga dahilan kaya hindi nakalilikom ng sapat na koleksiyon ng buwis ang Customs ay dahil sa talamak na smuggling sa Adwana.


Kaya’t kung nais ni P-BBM na makakolekta ng tamang buwis sa Customs, ipahuli at ipakulong niya ang lahat ng mga smugglers sa bansa, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page