top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Gambling lord ang hulihin, 'wag pag-initan ang mga nagbibilyar

BULGAR
Sep 16, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | September 16, 2022


MGA CONG. SA 'PINAS, WALANG PAKIALAM SA KARAPATAN NG MGA TAGA-BARANGAY; PERO SA KAPAKANAN NI VP SARA, SOBRANG GALANTE—Gusto umano ng mga kongresista na makatipid ang pamahalaan, kaya nais nilang ipagpaliban ang barangay at Sangguniang Kabataan elections.


Makatipid daw, pero itong mga cong. na nagsasabing makakatipid sa postponement ng halalang pambarangay ay simbilis ng kidlat na inaprub ang P2.3 bilyong budget ng Office of the Vice President (OVP) ni VP Sara Duterte-Carpio kahit hindi naman dapat ganyan kalaki ang budget ng OVP, aprub din ang P500-M confidential fund ni VP Sara kahit hindi naman dapat binibigyan ng confidential fund ang OVP, pati P150 million confidential fund ng DepEd (Dept. of Education) na dating wala, inaprub din.


'Yan ang mga cong. sa 'Pinas, walang pakialam sa karapatan ng mga taga-barangay na makapamili ng nais nilang maging opisyal sa kanilang mga barangay, kaya nais tanggalin ang budget sa halalang pambarangay, pero sa kapakanan ng kapwa nila pulitiko na tulad ni VP Sara, sobrang galante.


◘◘◘


SABLAY ANG PAGBIBIGAY NI P-BBM NG CHOPPER KAY VP SARA—Kung sinuman ang nagpayo kay Pres. Ferdinand "Bongbong" Marcos (P-BBM) na bigyan ng chopper o helicopter si VP Sara para magamit nito sa kanyang mga aktibidad at pag-uwi-uwi sa Davao City ay sablay 'yan!


Sablay kasi matapos ibida ni VP Sara sa social media na may itinalagang chopper sa kanya ang Malacañang na kanyang magagamit sa pag-uwi-uwi sa Davao ay hindi lang siya ang nabatikos ng publiko, dahil pati si P-BBM ang nakatikim ng pambabatikos mula sa mamamayan.


◘◘◘


39% PAMILYANG PINOY, LUMALA ANG KAHIRAPAN NG PAMUMUHAY SA ILALIM NG DUTERTE ADMINISTRATION—Sa latest survey ng SWS ay lumabas na sa nakalipas na 12 buwan ay 39% pamilyang Pinoy ay nakaranas ng malalang kahirapang pamumuhay sa Pilipinas.


Dahil mahigit dalawang buwan pa lang sa puwesto si P-BBM, hindi sa kanya dapat isisi ang nangyari sa buhay ng 39% pamilyang Pinoy, kundi sa administrasyon ni ex-P-Duterte.


Kaya't ang survey na 'yan ang magpapatunay na bad ang naging pamamalakad sa bansa ng Duterte administration.


◘◘◘


DAPAT ANG HINUHULI AY GAMBLING LORDS NA NANGRARAKET AT HINDI ANG BILYARISTA AT PUMUPUSTA SA IDOL NILANG BILYARISTA—Sunud-sunod ang ginawang panghuhuli ng mga parak sa mga bilyaran at hinuhuli ang mga bilyarista at billiard aficionados na pumupusta.


Naku, baka sa susunod ay pati ang mga boksingero at boxing aficionados na nagpupustahan ay dakpin na rin ng mga parak.


Pambihira talaga, imbes na ang hulihin ay ang gambling lords ng jueteng, STL-bookies, lotteng, EZ-2, sakla, color games, drop ball at mini-casino, ang pinagdidiskitahang dakpin ay ang mga bilyarista at billiard aficionados na pumupusta sa mga idol nilang bilyarista.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page