top of page
WINNER - MALE FAN, NAG-PROPOSE KAY ALEX EALA SA HARAPAN NG PADIR_FB Alex Eala.jpeg

Galing sa meeting ng 4Ps... 6 patay sa tumaob na bangka

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 11 hours ago
  • 1 min read

by Jeff Tumbado @News | August 29, 2026



6 patay sa tumaob ng bangka - Mapanuepe Lake sa Brgy. Buhawen, San Marcelino, Zambales - PCG

Photo: PCG



Anim na katao na pawang mga katutubong Aeta ang kumpirmadong nasawi habang tatlo pa ang nawawala matapos tumaob ang isang motorized banca sa Mapanuepe Lake sa Brgy. Buhawen, San Marcelino, Zambales, nitong Huwebes, Agosto 27.


Batay sa report ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), 13 katao, kabilang ang timonero ng bangka, ang sakay nang mangyari ang trahedya alas-4 ng hapon.


Apat na pasahero ang nailigtas habang tatlo pa ang patuloy na pinaghahanap, kabilang ang isang buntis.


Sa anim na nasawi, tatlo ang nasa hustong gulang at tatlo ang mga bata.


Ayon sa impormasyon, pauwi na sa Sitio Lumibao ang mga biktima mula sa Buhawen Proper, kung saan sila nagtungo upang magpabakuna sa barangay center at dumalo sa isang pulong para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).


Sinabi ng mga awtoridad na posibleng nangyari ang pagtaob dahil sa overloading o labis na dami ng sakay ng bangka.


Patuloy ang search and rescue operations para sa tatlong nawawalang pasahero.

Samantala, nagsasagawa rin ang Incident Operations Center (IOC) ng proseso upang matukoy at makumpirma ang kumpletong pagkakakilanlan ng mga nasawi at iba pang sangkot sa insidente. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page