top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Galing sa mabait, mapapalaban sa Naic

BULGAR
May 22, 2022
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | May 22, 2022


Inaasahang mapapalaban ang posibleng magiging liyamado sa laban na si Galing Sa Mabait sa magaganap na PHILRACOM Rating Based Handicapping System ngayong araw ng Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.


Rerendahan ni Lester De Jesus, posibleng mabigyan ng magandang laban si Galing Sa Mabait kina Ejay's Smile at Mabalor sa distansiyang 1,300 meter race. Nakalaan ang added prize na P15,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, ang ibang kalahok ay sina Thy Will, Lady Arya at Prince Jhon.


"Tiyak na maganda at bakbakan agad ang mapapanood natin sa race 1 dahil balanse ang line-up, tingin ko mapapalaban ng todo si Galing Sa Mabait," saad ni Benedicto Alvarez, veteran karerista.


Hahamigin ng winning horse owner ang karagdagang premyo na P5,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Paniguradong aabangan din ng mga karerista ang Condition Race 24 na ilalarga sa pang-limang karera sa distansyang 1,300 meter race.


Ayon sa mga komento ng karerista sa social media, si Cannon Ball ang may malaki ang tsansa na manalo.


Makakatagisan ng bilis ni Cannon Ball na gagabayan din ni De Jesus ay sina Keen Alisha, Get To Grips, Happy Man at Spy Glass.


Samantala, may walong karera ang pakakawalan ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI) ngayon kaya inaasahang masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1. Galing Sa Mabait (3), Mabalor, (5), Thy Will (2)

Race 2. Pilya (6), Red Hawk (8), Heirloom/Expensive (4/4A)

Race 3. Hunyo Disenueve (3), Bonifacio (2), Dimakya Island (6)

Race 4. Chase The Gold/Melody's Diamond (1/1A), Lady Goldie (2), Luyang Cave (3)

Race 5. Cannon Ball (2), Spy Glass (5)

Race 6. Musikera (5), El Lider Maximo (7), Gensan Special/Shalom (3/3A)

Race 7. Untarnished (3), Eochirunran (1)

Race 8. Munich/High Quality (1/1A), Lady Zip (5), Aida's Pet (3)


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page