top of page
SHEET - MGA ARTISTANG NAG-EENDORSO NG ONLINE GAMBLING, ‘DI NAGLALARO-IG _ogie_diaz.jpg

Galanza Et Al, buo ang loob ng team sa Asian Volleyball

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 22, 2022
  • 2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | August 22, 2022



Masusubukan sa ikalawang pagsalang sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Cup for women’s si power hitter Jessica Margarett “Jema” Galanza kasama ang buong pwersa ng back-to-back Premier Volleyball League (PVL) champions na Creamline Cool Smashers na target higitan ang ninth place finish noong 2018 meet sa sinimulang laro kahapon hanggang Agosto 29 sa Philsports Arena sa Pasig City.


Humampas na ang 25-anyos na 2019 Open Conference MVP at best outside hitter sa mga pambato ng iba’t ibang koponan sa Asya mula sa Pool A kasama ang reigning champion China, South Korea, Iran at Vietnam, habang nasa Pool B ang 2018 runner-up Japan, Southeast Asian Games powerhouse Thailand, Chinese Taipei at Australia, habang umatras na ang Kazakhstan nitong Martes,


Minsan ng kinatawan ng dating Adamson Lady Falcons ang bansa sa naturang edisyon kasama ang mga teammates sa Creamline na sina Alyssa Valdez, Julia Morado-De Guzman at Risa Sato.


Tatangkain ng pambansang koponan na makapasok sa top four sa Pool A para makapasok sa q'final round. Sakaling hindi palarin sa preliminaries ay magtatapos sa 9th place ang isang koponan.


Bukod sa kanya, sina De Guzman at Sato, makakatulong din ng 5-foot-7 na tubong San Pedro, Laguna sa koponan sina dating national team members back-to-back league MVP Diana Mae “Tots” Carlos at Kyle Negrito, gayundin sina Invitational Conference Finals MVP Celine Domingo, Michele Gumabao, Jeanette Panaga, Lorie Bernardo, Pau Soriano, Kyla Atienza, Fille Cainglet-Cayetano, Rizza Mandapat, at Rose Vargas, habang head coach ng national squad si Brazilian Edson Souza De Brito at hahalili namang assistant coach si Sherwin Meneses.


Matatandaang inalis ang orihinal na grupo ng mga manlalarong binubuo ng 84th season champions ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) National University Lady Bulldogs matapos hindi payagan ng team manager na si Mariano See Diet na maglaro sa PVL para palitan ang Kobe Shinwa women’s University.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page