Gahiganteng milyones na digital billboard ad ni Gibo, for 2025 election?!!
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | November 1, 2023
GAHIGANTENG MILYONES NA DIGITAL BILLBOARD AD NI GIBO, PABIDA PARA SA 2025 ELECTION? --Pinuputakti nang batikos ngayon sa social media si Sec. Gibo Teodoro ng Dept. of National Defense (DND) kaugnay sa kanyang pabidang gahiganteng milyones na digital billboard ad sa EDSA na may mensaheng atake sa China patungkol sa inaangking West Philippine Sea (WPS).
Sa tattoo lang, mababatikos talaga siya kasi halatadong pampulitika ang kanyang gahiganteng billboard ad na tila paghahanda niya sa pagtakbong senador sa 2025 elections.
Kung sariling pera niya ang ginasta niya r’yan, oks lang ‘yan, pero kung pera ng bayan ang ginasta niya r’yan, bad ‘yan, period!
◘◘◘
KUNG NAIS NI P-BBM MAGING TAPAT ANG MGA NAGWAGI SA BSKE, DAPAT MAGING TAPAT DIN SIYA, ISAPUBLIKO NIYA ANG PINAGKAGASTAHAN NG KANYANG P4.5- CONFI FUND -- Matapos ang Barangay at SK Elections ay sinabihan ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) ang mga nagwagi na maging tapat daw sa pagseserbisyo sa kanilang mga barangay.
Kung ganu’n, dapat maging huwaran si P-BBM sa pagiging tapat, kaya’t ang dapat niyang gawin ay isapubliko niya kung saan niya ginasta o saan napunta ang kanyang P4.5 billion confidential fund ngayong year 2023, kasi pera ito ng bayan, at hindi niya pera, boom!
◘◘◘
KAPAG NAISABATAS ANG PANUKALANG NATIONAL SK FEDERATION NI SEN. GATCHALIAN, DAPAT BUWAGIN AGAD ANG NYC -- Magsusulong si Sen. Sherwin Gatchalian ng panukalang National Sangguniang Kabataan Federation (NSKF) para magkaroon ng representante sa national gov’t. ang mga kabataan.
Mainam ‘yan, at kapag naisabatas ay buwagin na agad ang kontrobersyal na National Youth Commission (NYC) na madalas kuwestyunin ng Commission on Audit (COA) sa isyung paggasta sa kaban ng bayan na nasa NYC, period!
◘◘◘
FAKE NEWS ANG IBINIDA NI COMELEC CHAIRMAN GARCIA NA MAPAYAPA RAW ANG BSKE -- Ayon kay Comelec Chairman George Garcia ay naging mapayapa raw ang nagdaang BSKE.
Ang statement na ito ni Chairman Garcia ay maituturing na fake news, kasi 19 katao ang napatay sa BSKE, bukod pa sa rambulan ng mga kandidato at kanilang mga supporters, at may mga balotang sinira at paaralang sinunog, at sa kabila ng mga karahasang ‘yan, para sa Comelec chairman, mapayapa raw ang nagdaang BSKE, tsk!





Comments