GABBI, SUPER HAPI SA V-DAY GIFT NI KHALIL

ni Rensel Sabando - Trainee @Entertainment | February 14, 2024

Kilig to the max ang mararamdaman sa Facebook post ni Gabbi Garcia dahil sa pabonggang bouquet of red roses na hitsurang puso ng boyfriend na si Khalil Ramos.
Nag-caption si Gabbi na “🤍 ily!!! 7th v day together! you still make my heart flutter every single day!!! ♡ @khalilramos.”
Makikita sa mga pictures na pareho silang masaya at kuntento na kung ano'ng meron sila ngayon dahil kahit na may trabaho sila, nakuha pang sorpresahin ni Khalil ang singer-actress.
Bukod naman sa pabulaklak ni Khalil, nagregalo pa ito ng mamahaling multi-styler and dryer from Dyson na sobrang ikinatuwa ni Gabbi.
Samantala, may ilang Kapuso actors and actresses naman ang nagpo-post sa Instagram ng kanilang Valentine's celebration na ikinatuwa ng mga netizens.
Ilan sa mga nag-post na real-life celebrity couples ay sina Barbie Forteza at Jak Roberto, Edgar Allan Guzman and Shaira Diaz, Jerald Napoles and Kim Molina, Juancho Triviño and Joyce Pring at marami pang-iba.
Dahil sa kabila ng mga hiwalayan na kumakalat, patuloy pa rin talagang nagwawagi ang mga pagmamahalan ngayong Araw ng mga Puso.





Comments