Fyang, maging humble raw, niresbakang laos… POKWANG: BAGO AKO NALAOS, NAKATRABAHO KO ANG MGA SIKAT
- BULGAR

- Jul 8, 2025
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | July 8, 2025
Photo: It's Pokwang - IG
Tinawag si Pokwang na laos ng ilang fans ni Fyang Smith dahil sa payo ng komedyana na maging humble ang ex-Pinoy Big Brother (PBB) Gen 11 winner dala ng pahayag ng huli na walang makakatalo sa batch nila.
May nag-comment pa na hindi muna nag-fact check si Pokwang dahil spliced daw ang video at inilabas lang uli. Saka, sinabi naman daw ni Fyang na nagbibiro lang siya.
Dinepensahan din ni JM Ibarra si Fyang at sabi, “Ingat tayong lahat sa fake news at spliced videos na galing sa mga clout chasing pages. Choose to be kind tayo palagi.”
Pinasalamatan si JM ng mga fans ni Fyang sa pagtatanggol niya sa ka-love team.
May fans naman si Fyang na nagpayo sa kapwa fans na huwag nang sumagot kung anuman ang i-post ni Pokwang. Maliit daw ang mundo ng showbiz at magtatagpo rin ang dalawa. Hayaan na lang daw na makilala ni Pokwang si Fyang.
May sagot si Pokwang sa nagtanong kung sino si Fyang?
Sey niya, “S’ya ‘yung may mga fans na nagmamahal nang sobra to the point pati si Malia na anak ko, wish nila ng ‘di maganda! Na-screenshot ko na para kasuhan.”
Sa sinabi namang magkikita rin sila ni Fyang, sagot ni Pokwang, “Yes, kagaya nang makatrabaho ko sina Nadine, Liza Soberano, Sandara Park, Kim Chiu, Melai, ‘di ko malilimutan ‘yun, kasama sina Marian Rivera, Vilma Santos, Eddie Garcia, Tatay Dolphy, Gloria Romero.
May chance sabi n’yo nga, maliit ang mundo, tama... buti na lang bago ako nalaos, nakatrabaho ko lahat ng malalaking names sa industriya. Wait, John Lloyd, Aga, Claudine B, Bossing Vic pa at Juday. Sarap malaos ‘pag ganyan ang mga naka-work mo.”
Like namin ang posters at trailer ng Meg & Ryan (M&R), ang movie nina Rhian Ramos at JC Santos. Nadagdagan pa ito ng ganda ng pagkakanta ng Better Days sa version nila ng Torete na theme song ng movie.
Mula sa direction ni Catherine O. Camarillo and written by Gina Marissa Tagasa, showing ang nasabing pelikula sa August 6 in cinemas nationwide.
Ipinakilala ang mga karakter nina Rhian at JC, “Let us get to know Meg Zamonte and Ryan Cañete in a story about two strangers whose paths crossed at the most unexpected time – hearts drawn closer, and maybe... love found. Two souls brought together by a whimsical bet. A man with a careful heart. A woman who lives for reckless dares. And one playful wager that led to a night of chance and connection.”
Excited na ang mga fans ni Rhian sa movie. Nag-uusap na nga sila na sabay-sabay silang manonood at inaayos na ang schedule.
May mga nag-comment na miss na nilang manood ng ganitong movie na may kilig, iiyak ka at mai-in love.
May nag-comment naman na kaya gusto niyang mapanood ang M&R para mabalanse si Rhian sa paningin niya. Super-kontrabida kasi ang aktres sa Sang’gre at lagi pang galit.
At least, dito sa pelikula, hindi sila magagalit kay Mitena (Rhian), at sa halip, mai-in love pa kay Meg.
May kissing scene sina Rhian at JC sa movie na siguradong hindi pagseselosan ni Sam Verzosa at ng wife ng aktor.
Sabi nga ni Rhian, artista na siya nang makilala at maging jowa ni Sam.
Kasama sa cast ng movie sina Cedrick Juan, Cris Villanueva, Jef Gaitan, J-mee Katanyag, Steven Bansil, Poca Osinaga, Allison Black, at Ces Quesada.
Meant to be, Bea?
SUE AT DOMINIC, SABAY NG B-DAY
MEANT to be raw ang magdyowang Sue Ramirez at Dominic Roque dahil parehong July 20 sila ipinanganak. Sa dami raw ng tao sa Pilipinas, magkapareho pa ang kanilang birthday. Kaya para raw sila sa isa’t isa, pinagtagpo para magmahalan.
Sa nasabing petsa, 29 years old na si Sue at 35 years old naman si Dominic, at ine-expect ng mga fans na sabay ang birthday celebration nila.
Sigurado raw big celebration ang mangyayari at biro ng fans, baka gusto nina Sue at Dominic, isabay na rin nila ang marriage proposal. Isunod na rin nila ang pagpapakasal dahil nasa tamang edad na sila to get married and start a family. Huwag na raw nilang tagalan pa ang pagpapakasal dahil gusto ng mga fans, makita na ang kanilang magiging mga anak.
In fairness, tama ang mga fans. Wala naman yatang pumipigil sa relasyon ng dalawa, kaya go, magpakasal na sila. Naipakilala na ni Dominic si Sue sa pamilya niya at ganu’n din si Sue kay Dominic.
Kaya, maghintay na lang tayo sa mangyayari sa July 20 sa birthday nina Sue at Dominic.










Comments