top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Fuels nagniningas pa ang apoy, Hotshots sinunog

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 29, 2024
2 min read

ni Clyde Mariano @Sports | January 29, 2024




Bumangon  ang Phoenix Fuel Masters sa hukay at binawian ang Magnolia Hotshots sa Game 3 sa come-from-behind 103-85 sa best-of-five semifinals at napigilan ang Hotshots na umabanse sa finals sa pamamagitan ng sweep at buhayin ang kanilang pag-asa na makarating sa finals sa PBA Commissioner’s Cup sa Mall of Asia kagabi.


Dala at pinainit ng kanilang kanilang battle cry “keep the flame ablaze”, sinilaban ng LPG Fuel Masters ang Timplados sa second half matapos maghabol sa 21 points, 19-40 sa first half.


Pinamunuan nina Jonathan Williams at RJ Jazul ang decisive final attack at  palawigin ang serye. Umiskor si Williams ng 11 points at na-outscored ang Magnolia 33-16. Pinilit humabol ng Magnolia at hindi na nila naabutan ang nagwalang Phoenix sa pangunguna nina Williams at Jazul kasama si Jason Perkins, Javee Mocon at Tyler Tio.


Walang ibang sisihin sa pagkatalo kundi si coach Chito Victolero at ang  Hotshots dahil nagpabaya at minaliit ang kakayanan ng LPG Fuel Masters sa paniwala na panalo na at umabanse sa finals matapos lumamang ng 19 points, 47-28, sa second quarter.


Isang kaso ng pagpetiks sa kakayanan ng Phoenix kaya nagpabandying si Victolero at Hotshots sa paniwala na kanila na ang panalo pero bumalik sa dugout  na lahat nakayuko sa kahihiyan habang  nagbubunyi ang LPG at nabuhay ang kanilang ambisyon na pumasok na unang beses sa finals.


Hindi sana nakahabol ang Phoenix at maagang umabanse sa finals via sweep kung hindi nagpaba ang Hotshos at pinanatili ang mainit na opensiba sa pagbubukas ng laro.  “I reminded my players not to lose hope and keep fighting because the game is far from over and have chance to pull the rug from under their table. That’s what they did,” sabi ni coach Michael Jarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page